Chapter 12 : Zugzwang

54.6K 2K 1.5K
                                    

YOHAN'S POV

Nagising akong nag-iisa sa kwarto namin.

Leshe asan kaya si Zee?

Bigla kong naalala ang nadiskubre ko kahapon...

Na magkadugo sila....

Pero hindi, iba si Zianne sa kanila kayat dapat kaibigan parin ang turing ko sa kanya. 

Biglang bumukas ang pintuan kayat agad kong ibinangon ang ulo ko. Dumungaw ako sa baba since nasa upper deck ako ng kama at nakita ko si Zianne na dahan-dahang pumasok sa kwarto namin.

"Saan ka galing?" tanong ko

Hindi siya sumagot sa halip ay isinara niya ang pintuan at nakita kong inilock niya ito.

Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan. Yung dalawang kamay niya itinatago niya sa likuran niya.

"Zee..." mahinang bulong ko at umupo mula sa pagkakahiga.

Biglang napasmirk si Zianne.

Ibang-iba ito sa Zianne na naging kaibigan ko.

"Zianne..." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may hawak siyang kutsilyo sa kanang kamay niya.

Muli siyang naglakad papalapit kayat kinuha ko ang tazer na nakatago sa ilalim ng unan ko. I like Zianne but no one can ever hurt me...


Bigla siyang tumakbo papalapit sa akin kayat dali-dali akong napatayo sa kama at napasigaw. Magkasabay kaming napasigaw. Ako ay napasigaw sa takot ngunit siya ay sumigaw ng....

"MAY MANGGA AKONG DALA! SURPRISE!" Masigla niyang sigaw sabay bato sa akin ng isang manga mula sa supot na na hawak niya sa kanyang kaliwang kamay.

"H-ha?" mahinang bulong ko matapos akong mapasigaw. 

"Bulag ka ba may dala akong mangga! Dali balatan natin! Gusto ko ng kumain ng mangga!" Magiliw niyang sigaw. "Hoy Yohan may pasigaw-sigaw ka pa kanina, Ano ka may phobia sa mangga? hahahahaha" Panunukso niya sa akin kayat napailing-iling na lamang ako at bahagyang tumawa.

Nap-praning lang pala ako. boset.

Yohanna kalma lang...


Si Zianne na mismo ang nagsabi na ayaw niyang makita o makipag-communicate man lang sa kuya niya. Okay na yun...

I know this is stupid but I somehow trust her. Gaya ng sinabi ko kay Clark, she reminds me of the old me. She's not like the others...

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon