Chapter 11 : Hypocrisy

57.2K 2.1K 1.7K
                                    

Third Person's POV

Nagsigawan at Nagsitilian ang lahat habang tumatakbo palayo sa soccer field. Lahat silay takot na takot dahil sa pagkadiskubre ng pugot na ulo ni Sir Frank.

Ang ibang mga usyosera at usyusero ay nakuha pang tumakbo palapit sa ulo upang kunan ito ng litrato. Ang ibay hindi na kinaya ang pandidiri at tuluyan nang nasuka.

"Yohan!" Biglang sigaw ni Clark nang maaninag si Yohan na walang malay sa lupa.

Mistulang nabalik din sa katinuan sina Damon at dali-dali nilang pinuntahan si Yohan.

Kakargahin na sana ni Damon si Yohan ngunit naunahan siya ni Clark kayat sumunod nalamang sila sa clinic.

- - - - - - - - - -

"She's okay, Maybe she passed out dahil sa sobrang takot" Sabi ng nurse sa school clinic matapos nitong masiguradong maayos si Yohan.

Nakahinga ng maluwag sina Chase, Clark, Damon at Zianne nang marinig ito.

"May contact number ba kayo ng parents niya?" Nurse

Napailing-iling agad si Clark.

"Di na po kailangan."

tumango ang nurse. "Well okay after all ayos lang naman siya." Biglang may dumating na mga pulis at lumabas ang nurse sa clinic upang makibalita kayat sila-sila nalang ang natira dito.

Kinuha ni Zianne ang basang bimpo at idinampi ito sa noo ni Yohan. "Guys we need to tell her parents what happened" giit nito.

"Yohan will get mad. At isa pa hindi mo kilala ang parents niya, Oras na nalaman nilang naisugod sa clinic si Yohan, siguradong maho-homeschool siya. Di mo alam gaano ka-praning at over protective ang parents niya." Chase

Napatingin si Clark sa direksyon ni Chase. "You..." Tumayo siya sa harapan ni Chase at tiningnan ito ng masama. "This is all your fault!" Galit na sigaw ni Clark sabay tulak ng kay Chase at akmang susuntukin niya ito.

nagsigawan sina Damon at Zianne at dali-daling inawat si Clark.

"Clark pwede ba?! Walang may kasalanan!" Sigaw ni Damon na tumayo sa harapan ni Clark upang mailayo siya kay Chase.

"Isa ka pa!" Clark

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon