Chapter 6 : For the sake of Secrets

55.8K 2.1K 1.2K
                                    

DAMON’S POV

Kasama ko sa malapad na mesa sina Clark, Chase, Yohan at Zianne. Magkasabay kaming kumakain ng agahan sa cafeteria ngunit lahat kami ay hindi nagkikibuan. Marahil dahil narin ito sa alas-sais pa ng umaga at lahat kami ay antok na antok pa.

Napahikab si Chase habang ngumunguya ng pagkain.

“Gross” mahinang bulong ni Yohan at agad na sinamaan ng tingin si Chase.

Di ka pa nasanay tss.” sabi naman ni Clark kay Yohan at agad itong inabutan ng mug na puno ng gatas.

Kung malisyoso lang talaga ako, marahil napagkamalan ko ng may relasyon tong dalawang to.

Muli kong pinagmasdan si Yohan.

Kakaiba talaga siya.

Sa lahat yata ng taong kilala ko siya yung pinaka-kakaiba.

"Nagulat ka sa pagbabago niya no?" Sabi ni Chase sa akin habang punong-puno pa ng pagkain ang kanyang bibig at panay pa ito sa pagnguya.

"Mabilaukan ka sana paker" sabi ko at agad na inilayo ang mukha niya sa akin.

Nilunok ni Chase ang kanyang kinakain at tiningnan ako ng seryoso. "Kasalanan mo rin naman yan eh. tss" makahulugan niyang sabi sa akin at saka tumayo upang ilagay sa sink ang tray niya.

Nagtaka ako.

Anong kasalanan?

Biglang napatingin sa akin si Yohan at saglit na nagtama ang mga tingin namin.

Gusto kong umiwas kaso magmumukha akong tanga kayat kininditan ko na lamang siya. At gaya ng inaasahan, isang isnab ang kanyang naging tugon.

"Guess who?!" 

Biglang may sumigaw at nakita naming nakatayo yung si Reese sa likuran ni Zianne habang tinatakpan ang mga mata nito.

"Pakyu!" Sigaw naman ni Zianne habang pinilit na iwinawakli ang kamay ni Reese na nakatakip sa kanyang mga mata.

"Ayukuuuu! Hulaan mu muna sinu itu!" Sigaw ni Reese na parang isang bata.

"Aga-aga ang ingay" mahinang bulong ni Clark at tumayo narin upang ilagay sa sink ang tray niya.

"Ikaw yung freak! Waaaa! Let go of me you idiot! freak! stalker! ugly!" Sigaw ni Zianne kayat bumitaw na lamang si Reese habang tumatawa at agad na tumabi kay Zianne.

Zugzwang: The Final PactWhere stories live. Discover now