Chapter 1 : New Generation

97.2K 2.7K 3.9K
                                    

ZIANNE’S POV

Dala-dala ang malalaking pink and glittery kong mga bagahe ay dahan-dahan akong napatingala at pinagmasdan ang napakalaking boarding school na papasukan ko.

 

 

Napabuntong hininga ako. This is it, konting push nalang at college na ako! Bwahahahaha!

Miss, ikaw nalang yata ang hinihintay nila sa loob, pumasok ka na nga.” Sita sa akin kalbong guard na napakasama ng tingin.

Taray ni guard, Pero mabuti nalang hindi siya nakangiti, Pag-nagkataon magmumukha siyang si Buddha eh.

 

 

Napabungisngis na lamang ako at dali-daling pumasok ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hinarang.

“Teka Pangalan mo?” tanong niya na mistulang naninindak habang tinitingnan ang log book niya.

“Good afternoon kalbs, my name is Zianne Mikael Serrano, Sixteen years old. Released from my mother’s perlas on the very special day of February 14! And I believe by the saying, If you smile every day, Your hair might grow day by day!” Sigaw ko sabay salute sa kanya.

“Iha pangalan lang ang tinanong ko at isa pa hindi ako kalbo! Skin head to! Skin head!” Sigaw ng Guard sabay turo sa ulo niyang kasing kinis ng dragon ball ni Goku.

“If you say so. Meheheheh” Mahinang bulong ko at tuluyan ng pumasok sa building.

--------------------

 

I don’t know where to go, wala din akong kilala ni isa.

My life is so sad right now but atleast i still look fabulous in pink.

Bigla akong nakarinig ng ingay na nagmumula sa oval kayat agad ko itong sinundan.

Mabuti nalang at nahanap ko na sila kaso Late na akong dumating.

Kasalukuyan na palang nagsasalita ang dean sa harap ng iba pang bagong estudyanteng gaya ko at ang karamihan sa mga upuan ay taken na.

Huhubells saan ako pupunta?

 

“Miss may vacant dito!” Sigaw sa akin ng isang lalaki sa di kalayuan.

Napangiti ako nang makita ang bakanteng upuan na itinuro niya.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon