Chapter 16 : Of brothers and Sisters

55.6K 2K 1.6K
                                    

Zianne's POV

Matapos ang mahigit tatlong oras na pakikibka, Sa wakas ay matagumpay naming naitayo ang Sampung tents. Grabe di ko inaasahang mahirap pala talagang magtayo ng tents.

"Since tapos na tayo sa pagse-setup ng tents I have a surprise for you guys" Kuya Jeffrey.

Nagkatinginan kaming lahat. Surprise daw! Ano kaya yun? 

Biglang naglakad si Kuya Jeffrey papasok pa sa masukal na gubat, Natatakot akong sumunod dahil baka may ahas kaso nagsunuran na yung iba eh, ayokong magpa-iwan.

Siyempre napakaingay nung mga babaeng kasama namin. Panay ang reklamo kesyo masakit sa paa tas baka may ahas daw! Eh ako nga natatakot pero tahimik lang ako kasi ayokong masabihan ng oa. Nakahawak lang ako kay Yohan habang naglalakad. Buti pa kami ni Yohan tahimik lang.

After few minutes of walking, Next thing I know, We were standing infront of a very beautiful lake.

Manghang-mangha kaming lahat.

Who wouldve thought na sa gubat nato, may lake palang napakaganda and napakalinis.

Para kaming mga batang nagtakbuhan papunta sa pantalang gawa sa kahoy.

"Woooow!"

"I love this place!"

"Oh my gee! Pwede bang maligo dito?!"

Umalingawngaw ang kanya-kanya naming pahayag ng pagkamangha.

"Sure,malinis yang lake na yan" Kuya Jeffrey

Napalingon ako sa buong paligid.. Ang ganda nga ng buong paligid. "Kuya ano pa yung nandun?" Tanong ko sabay turo sa isang daanan malapit sa amin.

"Ah yun ba? Shortcut yun pabalik sa mansion" Kuya Jeffrey

"Ngek! May shortcut pala? Bakit di tayo dumaan diyan kanina?" Anika

"Madaming ahas diyan, Masyadong delikado" Sagot ni Kuya Jeffrey. Oo nga naman, mabuti nang safe.

"Waaaa! Bitawan niyo ako! Wag po! Wag po! Ang kinabukasan ko! Wag po!" Biglang sigaw ni Gavin.

Nagtawanan kaming lahat nang makitang ang kawawang si Boy laway ay karga na ng mga boys. Hawak-hawak ni Ike at Damon ang mga paa niya samantang sa mga braso naman niya nakahawak sina Chase at Reese. Kinarga nila ito na parang isang hayop at inugoy sa ere na para bang isang duyan. Makaraan ng tatlong ugoy ay tuluyan nila itong itinapon sa tubig kayat tawa kami ng tawa.

"Ang lamiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiig!" Sigaw ni Gavin

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon