[C: 23] Out of Town

4.9K 63 3
                                    

[C: 23] Out of Town



"You are so quite since we left? Is there something wrong?" Tanong nito habang pabyahe kami papuntang airport.



"Wala naman, it is just my first time na wala ang mga anak ko" sabi ko pa dito na ikinatango naman ng huli. Pagkatapos no'n ay hindi na kami nag- imikan. May ginagawa kasi siya samantalang ako ay kinalikot ang ibinigay niyang laptop. May trabaho din kasi ako.



"Sir, we're here" napatingin ako sa labas at nasa airport na nga kami. Napabuntong hininga na lamang ako. A week without my children is a torture. 



"Lets go"ani nito kaya isinara ko na ang laptop at agad na sumunod sa kanya. Napabuntong hininga ako bago sumunod sa kanya. Kaya lang ay hindi pa naman ako nakakahakbang ay may nahagip ang mga mata ko na siyang nagpasakit ng ulo ko.



Napapikit ako at hinawakan ang noo ko. Hindi ko alam kung ano iyong nakita ko at kung bakit masakit ang ulo ko.



"Hey you okay?" Narinig kong tanong sa akin ni Sir Jimenez.



"W-water" bigla itong nawala at maya- maya pa ay naramdaman kong may inilagay siya sa aking kamay.



"Here, drink it" sabi nito kaya naman ay ininom ko ito. Inalalayan niya akong makaupo hanggang sa mawala na ang hilo ko.



"Thank you" nakangiting sabi ko dito. Ngumiti naman ito sa akin at inilahad  ang mga kamay.



"Let's go, baka maiwan tayo ng eroplano" tumango ako at hinawakan ang mga kamay niya. Habang naglalakad kami, I can feel something unusual. Hindi ko alam kung ano pero sigurado ako na may kinalaman iyon sa magkahawak naming mga kamay.



Hanggang sa makaupo na kami ay nakahawak padin ang mga kamay niya sa akin. Hindi ko maintindihan pero hindi ko kayang iwaksi ang mga ito. Nasasayahan ako sa mga hawak niya. At mas lalo kong naramdamang safe ako sa kanya.



Habang nasa himpapawid kami ay hindi ko mapigilang antukin kaya naman ay ipinikit ko ang aking mga mata at umayos ng pagkaka- upo, kaya lang ay isinandig ni Sir Jimenez ang ulo ko sa kanyang balikat. At hindi na naman ako nakaangal. Tinapik- tapik nito ang aking pisngi hanggang sa tuluyang na akong makatulog.



"HEY wake up" naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Sir Jimenez. Agad kong inimulat ang aking mga mata at tumingin sa bintana.



Andito na pala kami. "Uhm, sorry sir at ngayon lang ako nagising" ngumiti lang ito sa akin at sinabihan na akong bumaba na kami. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa labas ng airport. Inilibot ko ang aking mga mata at napangiti na lamang ako. It's my first time here and I know that I will enjoy it kahit na alam ko ding puro nalang kami trabaho.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now