[C: 2 ] Intoxicated

34.7K 386 7
                                    


[C: 2 ] Intoxicated


Andito parin ako ngayon sa condo ni Jade. Ng umalis siya ay nanatili lamang ako ditto na parang tanga at umiinom mag- isa. Lahat ng mga nangyari kanina ay halos hindi na mag sink in sa isip ko. Bakit ba kasi kailangan ganito pa ang nangyayari sa amin? Bakit ngayong ito at pinipilit kong makalimot ay binulabog na naman niya ako? Hindi pa ba sapat ang nangyari sa amin. Hindi pa ba siya kontento na pagkatapos niya akong maging parausan ay iiwan niya ako at hinayaang malugmok ako sa putik kung saan niya ako iniwan? Ano ba ang nagawa kong mali para ganituhin niya ako?


Masakit na nga ang ulo ko pero ayaw ko parin, hindi padin ako tumigil sa kakainom dahil gusto ko na makalimutan ang lahat. Lalo na ang pagkainis ko sa sarili ko. Dahil no'ng hinalikan niya ako bumalik lahat ng sakit at saya sa puso ko. Ang sakit na naranasan ko noon at mga saya na hindi ko kailan man kinalimutan. Lalo na ang pagkamiss ko sa kanya.


I miss his kisses.


I miss his hugs.


I miss his touches.


Lahat-lahat na miss ko pero hindi na pwede dahil ayaw ko ng masaktan pa. He loves my sister at ayaw kong maging kontrabida sa sarili nilang kwento-sa buhay nilang dalawa. Kaya nga I choose to let him go kahit na nasasaktan ako. Just to make my sister happy. I know she loves him so much kaya ayaw kong masaktan na naman si ate dahil sa akin call me crazy pero she's my sister. At kahit na galit ako sa kanya importante padin siya sa akin.


Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pinto. Lasing ako pero alam ko kung sino ang pumasok, hindi ko naman na kailangang alamin iyon dahil isang tao lang naman ang kasama ko sa bahay na ito.


"What the--bakit ka naglalasing?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko napakunot ang noo ko sa ginawa niya at lalo na ng maamoy ko na naman ang baho ng baba niya. Amoy alak kaya ngisihan ko siya.


"Crazy, ako tinatanong mo kung bakit? Eh ikaw? Tinanong mo na ba ang sarili mo kung bakit ka naglasing?" Pero imbis na sumagot tinalikuran niya lang ako. Napataas ang kilay ko, tignan mo itong lalaking 'to. Matapos akong kausapin ay tatalikuran ako? Aba hindi maari iyon lalo na ngayon na ang sakit ng ulo ko dahil lasing ako.


"At saan ka pupunta?" hindi parin siya lumingon at pumasok siya sa kwarto niya--namin na pala. Napapailing na sinundan ko siya at nang makarating ako sa kwarto niya humiga ako sa kama. Wala naman siya marahil ay nasa bathroom. Nakapikit lamang ako dahil kapag ididilat ko ang mata ko ay parang umiikot ang mundo ko. Narinig kong may pintuang bumukas kaya naman kahit na hindi ako nakadilat ay nagsalita ako.


"Uie, diyan ka ah, dito ako sa kama, at saka wag kang mag-alala bukas ko na lang lilinisin yung kalat ko" sabi ko pa sa kanya pero ganoon na lamang ang pagkabigla ko na biglang dumagan siya sa akin. Ang sakit pa naman ng ulo ko, langhiyang lalaki ito.


"Hey! ano ba naman yan Jade, alis ka nga nahihilo ako sa ginagawa mo" nakapikit padin ako pero hindi parin siya umalis sa pagkakadagan sa akin. Kaya dumilat na lamang ako, ngunit ng magtama ang mga mata namin napalunok ako lalo na ng makita ko kung ano ang nasa mga mata niya.

Apprentice in Bed [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon