[C: 17] Losing you

6.8K 93 7
                                    


[C: 17] Losing you


"1..." At lalo akong nalumo ng nakita ko din kung paano silang dalawa umalis ng lugar ni hindi ko na sila napigilan dahil sa lakas ng pagsabog na narinig ko.



Halos napaluhod ako ng makita kong wasak na wasak ang buong building, hindi ko na napigilang mapaluhod at umiyak.



"Son" umiling lamang ako. Ayaw ko kasi ang sakit- sakit ng naramdaman ko. Ni wala akong nagawa upang iligtas silang dalawa ng anak namin, maski na ang paghuli na lamang kina Nicole at Glen.



"Move!!" Narinig kong sabi ng mga police pero nanatili lamang ako sa lugar na iyon, nakaluhod at nakatanaw sa lugar kung saan naroroon ang taong mahal ko. Ganito ba ang karma? Ito na ba ang karma ko sa lahat ng ginagawa ko? Pero bakit? Bakit kailangang mawala pa siya sa akin?



"Anak, halika na sila na ang bahala dito" umiling lamang ako. I won't leave lalo na at alam kong nasa loob siya.



"Anak" tinignan ko si Mommy, she's crying too pero ako ang mas nasaktan, ako ang mas nawalan. Nawalan na naman ako ng anak at ng taong mahal ko, ganoon nab a ako kasama? Na sa ganitong paraan ko siya mawawala?



"Mom, bakit ang sakit?" niyakap ako ni mommy at umiyak din kaya napahagulhol na din ako. I don't care if they will see how weak I am ang akin lang ay mailabas ko ang sakit na unti- unting pumapatay sa puso ko.



"Shhh, let them do this okay? You need rest and we can wait them naman sa hospital" aniya at tinayo ako pero umiling ako.



"Nabitawan ko siya kaya nangyari ito ngayon naman mom, I want to do something na kahit sa kabilang buhay alam niyang hindi ko siya bibitawan na hindi ko siya iiwanan at hihintayin ko siya" pumunta ako sa may bandang kaliwa kung saan may nilatag na upuan doon para kina mommy at tita.



I'm sorry. Sambit ko sa kawalan kahit na alam ko naman na hindi niya ako maririnig. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, all of them are busy with their works. Aside from Gabriella marami din ang nawala sa mga police, half of them were burned inside dahil hindi na nakalabas.



"Anak, please let's go I want you to take some rest tsaka sina daddy mo ay nasa bahay na at nagpapahinga, naiwan lang ako dahil ayaw kitang iwan dito" tinabihan ako ni mommy kaya hindi ko napigilang umiyak.



"Mom, j-just let me stay. I promise uuwi po ako" sabi ko dito, may mga bombero na din na dumating upang patayin ang sunog na nilikha ng pagsabog. May lumapit naman sa amin na police.

Apprentice in Bed [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon