[C: 3] Closure

25.7K 275 6
                                    

[C: 3] Closure


Huminto kami sa isang malaking bahay na sa totoo ay isang mansion. Nagtatakang binalingan ko siya, ano naman kaya ang ginagawa naming dito? At kaninong bahay ito?


"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko 'yong seatbelt tsaka muling tumingin sa labas ng kotse. Malaki ang bahay—I mean mansion at sa labas palang ay kita mo na ang ganda nito paano pa kaya kapag nasa loob na kami niyan? For sure, isang milyonaryo ang nagmamay- ari ng bahay na ito.


"Obviously bigay sa atin 'yan ni mommy, kaya sa ayaw at sa gusto natin diyan tayo titira" paliwanag niya sa akin bago lumabas ng kotse, nakatingin lamang ako sa kanya hanggat sa pinagbuksan niya ako ng pinto, kulang ang sabihing nagulat ako sa sinabi niya dahil namangha ako sa kaalamang kami ang titira sa bahay na iyan ngunit agad ko ding naramdaman ang guilt dahil feeling ko ay niloloko naming sila lalo na ngayon na alam kong lahat ng pinaggagawa naming ay hahantong lang pala saw ala tsaka saying din kasi ang bahay. Kung bakit naman kasi bumili pa sila nito.


"It's Emerald Coast Mansion na binili nila last week after no'ng sinabi nila sa atin na ikakasal tayo" pumasok na kami sa loob at tama nga ako dahil mas lalo akong namangha sa nakita ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob mismo ng mansion.


Bumungad sa akin ang napakalaki at napaka kinang na chandelier at ang floor nitong kay sing kislap ng krystal.


"It's really beautiful" sabi ko habang inilibot ang tingin sa buong sala, matapos ay pinuntahan namin 'yong kusina, kwarto at iba't-ibang parte ng bahay. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang pagkamangha na ibibigay talaga nila ang lahat ng ito sa amin para lang sa kasal na wala namang pagmamahalan.


"Bukas kailangan na nating lumipat ditto dahil 'yon ang sabi sa akin ni mommy at ni tita" Tumango na lamang ako at hindi na nag salita pa, bahala na kung ano ang mangyayari sa pagtira naming tsaka isa pa iniisip ko nga, kelangan ko ba talagang magback-out sa kasal naming—I mean sa engagement namin? Alam ko naman na mahal ko siya pero hindi ko alam kung may mutual understanding ba ang mga puso namin.


"Uhm—Jade, can we talk?" napatingin siya sa akin at tumango. Lumabas kami at pumunta sa likod ng bahay. May parang coffee table doon tapos may swimming pool pa tsaka malawak din ang garden, tsaka sa may gitna doon naka pwesto ang isang set ng coffee table.


"U-uh gusto ko lang sanang..." lumunok na muna ako at yumuko, hindi ko kasi alam kung saan ako mag sisimula at kung bakit ko pa ito tinatanong sa kanya pero andito na e, sinimulan ko na kaya tatapusin ko atleast man lang alam ko na may ginawa ako para maging maayos kami, maybe we can be friends man lang? Ewan.


"A-ano 'bang nangyari sa atin? Bakit tayo humantong sa ganoon? Iyong tipong si—" hindi ko ma take ang sasabihin ko kaya yumuko na lamang ako, naramadaman ko namang lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.


"Iyong tipong ang ate mo ang minahal ko? Na hinayaan kitang ibigay mo ako sa kanya?" tumango ako, masakit man pero iyon ang totoo.


"I am really sorry Gabriella, sa lahat ng mga nangyari noon. Walang nangyari sa amin ng ate mo p-pero—" hindi ko na siya pinatapos pa.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now