[C: 29] You.Are.Mine

6.3K 86 4
                                    


[C: 29] You.Are.Mine


Nakatitig lang ako sa kanya at hinanda ang sarili sa sasabihin ngunit bago paman bumukas ang aking labi para makapagsalita ng bigla na lamang nagliwanag ang kalangitan.



Fireworks lights the dark sky. It gives color for us. And I guess, a new sign that like the fireworks, we can be free to shout for each others feelings. Alam ko naman na wala pa akong kasiguraduhan pero ramdam ko na mahal ko siya. Na unti- unti nang bumabalik ang mga ala- ala ko sa kanya noon.



"Ang ganda no?" tanong ko dito at humilig ulit. Hinawakan nito ang aking mukha at marahan na hinaplos ang aking pisngi. Ngumiti siya at pumikit. This is it. I will tell him everything.



"I am Gabriella Ana Marie Flores" binuksan nito ang mga mata at makikita mo ang gulat sa kanyang mga mata. Confusion and doubts.



"Hindi ka man maniniwala sa akin pero totoo ang sinasabi ko. Alam ko na walang kasiguraduhan ito pero gusto kong sabihin sayo ang lahat ng tungkol sa akin. Iyong malinaw na flashback, iyong alam kong totoo sa buhay ko" huminga ako ng malalim at agad na hinanda ang sarili sa lahat.



"Nagsimula ang buhay ko noong mga panahon na nagising ako sa hospital" Kwenento ko sa kanya ang lahat ng nanagyari noon.Iyong mga naalala ko, iyong sinabi ko sa kanyang ina.



"Ni wala akong maalala sa mga nangyari sa akin bago ang aksidente at ang sabi ng doctor ko ay may temporary amnesia ako..." Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang araw na iyon.



"Pwede daw bumalik ang ala-ala ko, may ibinigay pa siya sa akin na gamot kaya lang ay hindi pwede dahil buntis ba ako noon..."



"Kaya noon nakapanganak ako, sinimulan ko ng uminom ng gamot kaya lang, imbes na makaalala ako ay parang lumala ang kondisyon ko, sumasakit ang ulo ko at lagi nalang akong nakakalimot" binalikan ko ang mga panahon na nangyari noon.



"Hindi ko alam kung maniniwala ka, peronang makita at makasama kita, bumalik ang mga panaginip kong iyon" Kahit na may takot sa puso ko dahil ayaw kong balikan ang dilim sa buhay ko ay ginawa ko parin.



"Naalala kita ng pakonti- konti pero hindi ako sure" hinawakan ko ang kamay niya at agad na itinapat iyon sa may bandang puso ko.



"Nakalimot man ako, pero itong puso ko ay ikaw parin ang tinitibok"



"Why are you doing this? Are you really my Gabriella?" tumango ako.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now