[C: 26] Who is she?

5.2K 70 5
                                    

[C: 26] Who is she?


Nakaupo parin ako sa pwesto ko habang nakatingin sa papalayong babae. Hindi ko man maintindihan kung ano ang sinabi niya pero alam ko at ramdam ko na may kinalaman iyon sa napapaginipan ko.



Napalunok ako habang umaalis sa pagkakaupo sa gilid ng pool. Wala naman akong planong maligo dahil baka maulit iyong nakita ko noon.



Nilingon ko si Jade na ngayon ay nakakunot ang noo habang kausap ang ina. Dahan- dahan akong lumapit sa kanila at nagpanggap na may kinuha sa mesa para malaman ko kung ano ang pinag- uusapan nila.



"Mom, why did you do that? Alam niyo naman po diba na nahihirapan na nga ako sa pinag- gagawa ko pero ito at nakisali pa kayo"



"Anak naman eh, malakas ang kutob ko na siya iyon, bakit ba ayaw mong e DNA Test siya para malaman natin" napansin kong natigilan si Tita lalo na si Jade at sabay pa silang lumingon sa akin. Ngitian ko lang sila at umalis na. Kung ako man ang pinag- usapan nilang dalawa malamang ay may kinalaman iyon sa panaginip ko.



Nagbuntong hininga ako tapos ay pumasok sa bahay. Kailangan ko pa palang tignan ang mga trabaho ko bago ako mag- isip ng kung ano. Kinuha ko ang laptop ko at nagtrabaho na. Kinontak ko ang mga dapat e contact lalo na si Mr. Salazar na sana ay makikipag usap sa kanya kagabi.



"I'm sorry Sir, but as of now, Mr. Jimenez isn't available. His having a good time with his parents and he said that he cannot talk to anyone right now" nagbuntong hininga ako ng pinilit nitong kausapin si Jade.



"Ano po ba ang sasabihin niyo sa kanya? Baka pwedeng ako nalang ang magsabi" napapikit ako ng mas nagalit pa ito sa akin.



"Sir I know that you really want to talk to him but just this time. His isn't available. You can still talk to him later after his time with his parents" and with that the line went blank. Napahilot na lamang ako sa aking sintido at agad na kinotak si Mr. Salazar.



"Hello? Is this Mr. Salazar?"



[Yes, speaking] tumayo ako at pumunta sa may bintana upang tanawin si Jade. Napangiti ako at agad na itinuon ko ang pansin sa kausap ko. I already reserved a dinner meeting in one of the restaurant inside Ayala at kahit malayo iyon alam ko naman na mas gugutuhin ni Jade na doon si kakain kaysa naman sa bahay nito.



Napag-alaman ko din kasi na ni-rereto ni Mr. Salazar ang anak nito kay Jade kaya lang ay laging tumatangi si Jade dahil nga may asawa na daw ito pero matagal na daw'ng hindi nagpapakita ang asawa nito kaya ayaw nilang maniwala. Saan ko nalaman? Kay Mr. Salazar din.



"Ms. Gabriella?" napalingon ako sa may pinto at doon ko nakita si Elmo.

Apprentice in Bed [Revised]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora