Leaving

6.1K 118 11
                                    

Naging busy ako dahil sa kaliwa’t kanang taping ng GBBT at GGV para makaalis ako ng walang problema. Araw-araw, pagkatapos ng Showtime, kailangan ko na agad umalis at dumiretso sa set. Kung may pahinga man, kain lang at konting tulog, tapos game na ulit. Pero ganun talaga, buti nga eh pinagbigyan nila akong umalis.

Hindi naman ako kinakausap ni Anne at Vhong ng maayos pag off cam. Para lang akong hangin na napapadaan sakanila, hindi man lang nila ako tinitignan o nginingitian. Wala narin akong time para makipag-ayos at ayoko naring madagdagan pa ang mga iniisip at pinoproblema ko. Pero nagtataka naman ako kung bakit pati si Vhong eh dinededma ako, siguro nakekwento ni Anne yung mga sinasabi ko sakanya. Kung tutuusin ako may dahilan din ako para magalit kay ngangabu dahil dito, pero sige hahayaan ko nalang.

Pero kasi naman, bakit ba sila itong masyadong apektado?! Kung makaasta, para namang sila yung nahihirapan. Hindi naman nila naiintindihan kung anong meron tapos sila pa ‘tong nagagalit sakin? Hay ewan ko nakakastress lang isipin.

Napansin ko naman ang paglayo ni K sakin. Kung magkataon mang magkatabi kami sa blocking, maaasahan mong laging may gap sa aming dalawa. Bumalik na naman sa dati, o baka nga mas malala pa ngayon. Walang tinginan, walang kawayan, walang ngitian. Para kaming hindi nag-eexist para sa isa’t isa nang ganun ganun nalang. Hindi ko alam, baka nagtatampo siya dahil bigla nalang akong aalis at hindi ko man lang inexplain sakanya kung bakit? Lalo pa’t magkasama lang kami nung Monday ng gabi, tapos Tuesday ng umaga bigla-bigla nalang niyang malalaman na aalis ako. Feeling niya siguro may hindi ako sinasabi sakanya, na may problema na pala ako na hindi shineshare. Eh paano ko naman kasi sasabihin kung siya mismo yung problema ko?!  Tawagin mo na akong gago, pero mabuti narin siguro ‘to. At least hindi na ako lalong mahihirapan na lumayo sakanya kung siya mismo eh nilalayo na ang sarili sakin. Tsaka ko na aayusin kapag ayos narin ako, kapag friendship nalang ulit ang gusto kong mamagitan sa aming dalawa.

Napag-usapan namang magkakaroon ako ng farewell prod ngayong Sabado bago ako umalis, pero hindi naman bongga. Kakanta lang ako dahil wala narin masyadong oras para mag-conceptualize at mag-rehearse ng pasabog na prod number.

“So nung Tuesday narinig naman nating lahat ang announcement ng isa sa mga kapatid namin dito na mawawala muna siya sandali para magbakasyon. Kaya bago siya umalis, aaliwin niya muna tayo para daw hindi natin siya makalimutan. To perform his current hit single, let’s all give it up for Vice Ganda!”

Habang kumakanta, hindi ko naman maiwasang mapatingin kay K. Nakatingin lang siya sa sahig habang sinasabayan ang kanta at involuntarily na nag-ssway dahil pinagigitnaan siya ng ibang co-hosts na galaw nang galaw.

Kahit na isang ngiti

Pinagkakait mo pa sakin ito

Aray ha.

~

THIRD PERSON POV

Pagkatapos ng prod ni Vice at habang commercial gap, dumiretso naman sina Anne at Vhong sa dressing room ng huli para mag-usap.

“Pakinggan niya nga yung sarili niyang kanta! Siya nga yung manhid eh!” sabi ni Vhong at binalibag ang pinto.

Umupo si Anne at nag-cross ng legs. “In his defense din naman, hindi niya alam na gusto rin naman siya ni K. Pareho lang naman sila eh.”

“Bakit, kahit naman noon pang hindi pa niya type si Karylle, ang lakas na niya magpaasa. Tingin mo bakit nainlove si K?”

“Eh syempre trabaho yun! Vhong, you’re being unfair.”

“Siya ang unfair. Basta kung gustong mag-move on ni Karylle hindi ko siya pipigilan. Bahala si Vice kung magbago pa isip niya, baka wala na siyang balikan.”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon