Signs?

7.6K 137 5
                                    

“Babe, do you want these drapes for our room?” sabi ni K habang tinuturo ang cream colored curtains na naka-hang. Hindi naman ako nag-pay attention sa kurtina, ano namang pake ko dyan? Eh kung itong babae ba namang ‘to ang nasa harap ko, bakit pa ako titingin sa iba?

Pinitik naman niya ang noo ko nang mapansin niyang sakanya ako nakatitig. “Hey! Focus on these curtains and not on me muna, okay?”

Nag-pout naman ako. “Eh.. hindi ba pwedeng kumuha nalang tayo ng interior designer para mag-asikaso nito? Mag-date nalang tayo babe.”

Napangiti naman siya at tinabihan ako. “This is our date Vicey. And gusto ko tayo mismo ang pipili ng lahat for our home, down to the smallest details. Please?”

Matatanggihan ko ba naman siya? “Okay po Mrs. Viceral.” sabay hatak ko sa bewang niya at kiniss siya sa cheeks.

Lumingon naman siya sakin at may sinabi pero hindi ko naintindihan. “Ano ulit yun?” sabi ko.

“Vice.. Vice? Okay ka lang?” sabay yugyog ni K sakin.

“Yes babe?” nagulat naman si K sa sinabi ko. Bumalik naman ako sa ulirat, nandito lang pala ako sa chat room habang commercial gap lang. Daydream lang pala lahat ng yun! Isa kang malaking hopia Vice! Nakakahiya. “Ay.. Ha? Bakit?” parang nag-aapoy ata ang mukha ko sa sobrang hiya.

“Masama ba ulit pakiramdam mo?” hinawakan naman niya ang noo at leeg ko. “Kanina ka pa kasi walang imik at tulala dyan eh.”

“Ah wala. Okay lang ako, may iniisip lang.”

Napa-frown naman siya. “Namimiss mo siya no?” mahina niyang sinabi.

Napakunot naman ang noo ko. “Ha? Sino?”

Umiling siya at ngumiti. “Wala, never mind. Sige malapit na ulit tayo mag-live, get ready.” at umalis na siya.

~

[Fast forward sa Sabado.]

From: Anne Curtis

Girl, I’m back! Will rest a bit then  let’s meet for dinner later, same place. See ya!

Atat na atat lang ‘tong si ngangabu makita ako eh no? Anyway, keri lang. Namiss ko rin yung kadaldalan niya eh. At malamang ako ang unang makakakuha ng mga pasalubong niya. Hahaha! Nagreply naman ako ng okay.

~

Sa Sine Mo To..

“Dahil narealize ni Brandog na mahal na mahal talaga ng kapatid niyang si Rabies si Jasmine at ganun din si Jasmine kay Rabies ay magpaparaya ito at magpapaubaya.” sabi ng tagapagsalaysay.

“Bro, nakita ko kung gaano mo talaga ka-mahal si Jasmine at kung gaano siya ka-saya pag ikaw ang kasama niya. Pasensya na kung naging hadlang ako sainyo. Sige na, aminin mo na sakanya. Good luck bro!” sabi ni Jhong sabay tapik sa likod ko.

Yung totoo, kinakasabwat ba ng mundo ang nagsulat ng istorya ngayon para pilitin akong umamin? Tumutrue to life eh!

“Sigurado ka ba bro? Baka napipilitan ka lang!”

“Huy basa!” sabi ni Billy.

Okay fine! Aadlib lang eh. “Eto na nga eh magbabasa na. Salamat bro. Sige pupuntahan ko na siya agad. Ano ‘to, wala man lang prepare prepare, sugod agad?”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon