Recess

6.3K 112 4
                                    

Ayoko na sanang isipin, pero hindi ko naman maiwasan. Siguro nga dapat ko na talagang i-settle ‘to. Isang move nalang na magdidikta sa kung ano ba talagang plano ko, kung ano ba talagang dapat kong gawin.

Oo, mahal ko siya, pero hindi naman lahat ng pag-ibig ay dapat nabibigyan ng pagkakataon. Hindi lahat ng pag-ibig, dapat pinaglalaban. Ang kumplikado kasi ng sitwasyon eh. Hindi ito yung typical na boy meets girl, o yung friend falls for a friend. Ewan ko ba, ang dami dami ko kasing kinatatakutan eh. Ang daming pwedeng masira, mawala, magbago. Masyadong marami na hindi ko kayang panagutan lahat. Baka hindi pa ito yung panahon namin. Baka next year pa, o baka next lifetime na? Basta sa susunod na buhay, kung pwede lang, siya at siya lang talaga ang hahanapin at mamahalin ko. At sana lalake ako, tapos babae parin siya. Sana normal lang ang buhay na meron kaming dalawa. Walang problemang career, walang mga daot sa buhay, walang mga sawsawero. Yung kami lang, sapat na.

Pero sa ngayon, hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. At ayaw ko narin naman siyang lituhin at guluhin sa urong sulong kong paggalaw. Alam kong nagiging unfair na ako sakanya, kaya ayoko na. Mawawala rin naman ‘to. Time heals all wounds nga daw diba? Nakailang beses narin naman ako nakapagmove on sa mga minahal ko dati, hindi naman ‘to magiging mahirap. Mga isa o dalawang buwan lang na malayo ako sakanya completely, mawawala rin ‘to. Sana.

Tumawag agad ako sa handler kong si Kate. “I need a break muna.” bungad ko at napabuntong hininga nalang.

Humikbi naman siya sa kabilang linya. “Nakikipaghiwalay ka na ba sakin? Hahaha joke lang. Sure, let’s clear your schedule next week.”

“Gusto ko sana mga isang buwan. Kung pwede nga lang indefinite leave kaso may GBBT pa.”  

Narinig ko naman ang pagkagulat niya sa phone. “Indefinite leave?! Bakit? May problema ba Vice?”

“Stressed out lang talaga ako Kate. Okay lang ba?”

“Well choice mo naman yan. But sure, aayusin ko lahat sa shows mo and talk to the management. Pero sigurado naman na okay lang yun sakanila, you deserve it anyway. But you have to be back by mid-November ha, may shooting dates ka pa for GBBT. When are you planning to leave? And saan ka nga pala mag-babakasyon?”

Oo nga no. Sa sobrang pagkaatat kong matakasan ang pesteng pakiramdam na ‘to, hindi na ako nakapag-plano. Eto na naman ako sa paspasan kong pag-iisip eh.

“Hawaii..?” sabi ko nang may pag-aalinlangan. Ewan ko kung bakit dun, basta yun ang unang pumasok sa isip ko eh. “Kung pwede nga lang bukas na agad eh.”

“Grabe! Haha pero sige I’ll check the available flights and i-book na kita agad. Is Monday good? Kasama mo si Buern?”

“Oo. Thank you talaga. Sorry kung sobrang biglaan nito.”

“Wala yun no. Basta kung ready ka nang i-share sakin kung anumang pinagdadaanan mo ngayon, tawagan mo lang ako ha. Kahit madaling araw pa yan. You know I’m always here for you.”

Napangiti naman ako dun. “Labyu Kate.” at nag-hang up na.

Sunod ko namang tinawagan si Buern. Hinatak ko nalang bigla yung tao, ni hindi ko pa nga nasasabihan!

“Baklaaaaaaa! Hawaii tayo.” bungad ko sakanya.

“Kung maka-imbita ka akala mo isang jeep lang ang layo nun ah. Pero gora, kailan?”

“Nagpaalam at nagpa-book na ako kay Kate. Pero baka sa Monday na. Mag-impake ka na at damihan mo, baka mga isang buwan o lagpas tayo dun.”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon