Awkwaaaaard!

7.1K 124 7
                                    

[A/N: Pasensya na ang tagal tagal kong inabot para makapag-UD tapos maiksi naman. Busy talaga eh. Pero try ko pang magpost ulit ng isa pang chap within this week. :) Anyway, thanks pala kasi biglang umarangkada ang reads nung nawala ako. :)) Hahaha thank you thank you! *hugs*]

“Ay palaka!” nagulat naman ako nang may biglang kumatok sa kwarto. Si Buern pala.

“O teh, kamusta? Balita ko-“

“Oo nandito si K kanina. Ene nenemen?”

Napakunot naman ang noo ni Buern  sa sinabi ko. “Hindi naman yun! Balita ko bumaba na yung lagnat mo. Yan kasi sabat nang sabat, nadulas ka tuloy.”

“Tse! Kamusta rampa niyo?”

“Lakas sumegway ni bakla! Haha! Keri lang naman. Papasok ka na ba bukas?”

“Oo, okay naman na ako. Tsaka ayokong ma-tengga dito no, nakakabaliw!”

“Suuuus.. gusto mo lang makita si K eh.” sabay takbo ni Buern papalabas ng pinto bago ko pa siya mabato ng unan.

~

Wala nang mas gaganda pa sa umaga ko. Eh kasi naman!

From: Ana Karylle

Good morning Vice! :) Ok ka na ba? Hope to see u in showtime later! ;)

At nagreply naman ako agad.

To: Ana Karylle

The horse is back! Thanks to you!

At hindi na naalis ang ngiti sa mukha ko hanggang papunta na ako ng ABSCBN.

~

“Bestie! You’re back!” sabi ni Billy sabay tapik sa likod ko at niyakap ako.

“Ayos brad ah, ang bilis mo gumaling.” sabi naman ni Vhong at ginawa rin ang ginawa ni Billy. Eh kung si Kurba ba naman ang nurse mo, sinong hindi gagaling agad?

Sa di kalayuan naman ay nakita kong papalapit sa amin si K. Totoo pala yung mga nasa pelikula na bumabagal bigla ang oras, nag-fifreeze lahat ng tao sa paligid niyo, humahampas ang hangin sa buhok ng babae habang naglalakad papalapit, at napapanganga nalang ang lalake sa tabi. Kumaway naman siya pagkakita sa akin at ngumiti. Yung puso ko!

“Hi guys!” bati niya sa aming tatlo at bumeso. “Vice! Buti okay ka na.” sabi niya sa akin at ngumiti.

“Ahh.. oo. Ha ha ha. Thank you sa lugaw Kurba!” titingnan ko sana siya sa mata pero ewan ko, hindi ko kaya! Sa gilid lang niya tuloy ako nakatingin habang kinakausap ko siya.

“O sige na, malapit na tayo mag-live. Mamaya nalang ulit.” sabi ni Vhong sa amin at pumunta narin kami sa kanya-kanya naming mga dressing room.

~

Usual opening spiels at blocking. Magkatabi kami, as usual. Parang tanga pero natetense ako, nacoconscious. Hangga’t pwede, hindi ko hinahayaang magkadikit kahit ang mga braso lang namin. Kumakausap din ako ng mga taong nasa left side ko para lang hindi ako mapatingin sa direksyon niya.

Hay life. Feeling ko tuloy ang sama sama kong tao. After akong bisitahin ni K kahapon at kamustahin ako kanina, iniiwasan ko siya ngayon na para bang may nakakahawa siyang sakit. Akala ko magiging okay at normal parin lahat pero mahirap pala. Eh paano naman kasi, ang awkward para sakin. Lecheng feelings ‘to.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon