Anyayare 2.0

8.8K 126 3
                                    

[A/N: Pang-supply lang sa 1st part kaya maiksi lang talaga siya. Hihi. :P]

Lubos naman ang pasasalamat ko na hindi kami magka-pair ni Kurba ngayon sa Sine Mo To. Ewan ko talaga, hindi ako komportable! Wala talaga ako sa mood. Baka naman meron ako ngayon? Chos hopia pa. Bugnot na bugnot lang siguro talaga dahil sa kakulangan sa tulog.

“Huy Vice, bakit ang tahimik mo ata ngayon ah? May pinagdadaanan ka ba?” sabi ni Billy mula sa usual tagapagsalaysay spot niya.

“LBM na naman ba yan brad?” gatong ni Vhong.

“Nakakaloka pag tahimik nag-aalburoto agad yung tiyan? Hindi ba pwedeng bad breath muna kasi kaya ayaw magsalita?” sagot ko naman.

“Haha o sige na balik na tayo sa istorya. Dahil sa pagpapaubaya ni Dave, magyayakap naman sila JR (Jhong) at Audrey (Karylle) at yayayain ng kasal.”

Bumalik naman ako sa ulirat. Ano daw yun? Kasal?

“Pero aalma ang mamita!” sabi ko.

“Ha? Bakit?” tanong ni Jhong.

“Dahil paborito ka niyang apo at ayaw ka niyang mapunta sa iba. Chot. Waley trip ko lang, makasingit lang.” sabi ko at saka bumalik sa pwesto ko kanina. O ayan, nagsalita na ako ah!

Tinignan naman ako ng kakaiba ni Anne. Anong meron?!

~

Backstage. Kanina pa ako tinitignan ng kakaiba nito ni ngangabu, napapraning tuloy ako. Weird! Pinapatay na ako ng curiosity ko kaya tinanong ko na siya.

“Huy! Kanina ka pa tingin nang tingin sakin ah, gandang-ganda ka sakin ngayong araw no?”

Tinulak naman niya ako ng mahina. “Ang kapal mo girl! Wala lang, may napapansin lang kasi ako.” at tumawa siya. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to.

“Eneyen?” nakakunot ang noo kong tanong.

“Wala! Next time ko na sasabihin pag na-confirm ko na.” tumawa na naman siya at tsaka iniwanan ako at pinuntahan si Coleen. Yung totoo, anyayare?!

Natapos ang Showtime nang hindi ako masyadong nagcocomment o nagjojoke. Ewan ko ba, may iba talaga sa araw na ‘to. Ang gulo gulo na nga ng utak ko, kulang pa sa tulog. Buti nalang at wala akong gagawin ngayon at makakauwi at makakapagpahinga narin sa wakas. Kailangan ko muna ng world peace, kahit hanggang sa makaborlog lang ako. Utang na loob!

"Bakla, ayos ka lang? Kaninang umaga ka pa parang tulaley at walang imik dyan." sabi ni Archie. Seryoso, ganun ba talaga ako ka-tahimik at lutang ngayon?

"Puyat lang ako beks."

"O, ang aga mo naman nakauwi kagabi diba? Kaka-Minion Rush ba yan?"

Natawa naman ako. "Loka! Ewan ko, itong buong linggong 'to hirap akong makatulog. Parang alam mo yun, sa kailaliman ng utak ko may business siya na hindi ko alam."

Tinignan naman ako ng weird ni Archie at napataas ng kilay. "Ganyan ka kapag in love ah?"

Oo nga no? Pero imposible naman yun! "Huy! Alam mo namang wala akong boylet ngayon. Ipagduldulan pa talaga ha?"

"Eh anyayare sayo?!"

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon