First Date

6.9K 128 8
                                    

Mga 5:30 narin nang magkayayaan ang lahat na umuwi na. Kanya-kanya na sila nang alis, habang kami naman ni Kurba eh medyo nagkakapaan pa sa susunod naming dapat gawin.

“May appointment ka pa ba after nito? Dinner tayo ha.” sabi ko sakanya habang naglalakad na kami palabas ng resto.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Iniisip siguro niyang napakatakaw ko naman masyado, eh hindi naman kasi yun. “What? Hindi ka pa ba busog?”

“Eh gusto lang sana kitang makasama buong araw, first day natin eh.”

Napangiti naman siya sa sinabi ko at nanlambot ang mga tuhod ko. Kailan ba ako masasanay sa ganito? Iniisip ko palang na araw araw ko nang makikita yung matamis na ngiti niyang ganyan sakin, parang gusto ko nang mangisay nang paulit-ulit kahit pa semento itong hihigaan ko. “Sure.”

Kumaway sila sa amin habang nakasakay sa mga sari-sarili nilang sasakyan. “Ingat lovebirds!” sabi ni ngangabu.

“Wag gagawa ng masama bestie ah.” sigaw ni Billy at saka kumindat. Tumawa naman silang lahat. Sira ulo ‘to!

“Baliw!” sabi ko.

“Bye! Ingat kayo!” sabi ni K. Sumakay narin kami sa kotse ko.

~

Kakatapos lang niyang tawagan ang driver niya para sunduin ang kotse niyang iniwan namin sa Red Crab. Napangiti naman ako nang maalala ko yung time na nandito kami sa parehong sasakyan na ‘to, pero ngayon iba na ang sitwasyon, ang set up.

“Yung huling beses na nandito tayo sa kotseng ‘to eh magkaibigan palang tayo. Naaalala mo pa yun? Grabe, ang daming nagbago sa tatlong buwan lang.” sabi ko.

Tumango siya at napangiti rin. “Hindi parin nagsisink in sakin yung mga nangyari. Parang ang bilis, pero ang bagal din at the same time.”

“Sorry naman at inabot ako ng ilang buwan diba.” biro ko. Natawa naman siya.

“Ang aarte kasi natin eh. Anyway, saan pala tayo kakain?” tanong niya at napahikab pagkatapos.

“Ako bahala. Tulog ka muna dyan kung gusto mo.”

“Hindi, okay lang. Hey, kwentuhan mo nga ako. Kamusta pala yung vacation niyo ni Buern sa Hawaii?”

“Syempre hindi masaya kasi wala ka.” sagot ko.

“Hindi mo kasi ako niyaya eh.” sabi niya na parang nagtatampo at tumawa siya ng mahina.

Napalingon naman ako sa sinabi niya. “Kung niyaya ba kita, sasama ka?”

“Kung umamin ka na, eh oo naman.” biro niya.

“O tara na ngayon. Pwede na akong mag-u turn dyan o.”

Natawa naman siya at hinampas ako. “Baliw!” sabi niya. Natawa nalang din tuloy ako. Pero kung pumayag lang talaga siya eh tutuloy talaga ako no. Kahit dalawang araw lang, pwede na.

“Wala naman kaming masyadong ginawa dun. Pero napuntahan ko na lahat ng museums, kahit yung Pearl Harbor na gusto mong puntahan. Pero natulog lang talaga ako dun eh, nanood ng movies, ganyan.” pagkekwento ko.

“Uy make me a list ha. Yung mga napanood mong movies na magaganda gusto ko rin panoorin.”

Nginitian ko naman siya. “Panoorin natin sa bahay pag pareho tayong walang gagawin.”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon