Thoughts & Decisions

6.5K 122 5
                                    

Hapon pa naman ang taping ko kaya nag-simba muna ako. Ang dami-daming dahilan para magpasalamat kay Lord, at ang dami-dami ko rin dapat ipagdasal para sa tulong at guidance Niya. Excited naman ako para sa homily ng pari, ang galing galing kasi magsalita nitong si Father Ru. Close kaya kami!

“Friendship ang pinaka-magandang relationship na pwedeng mabuo between a man and a woman. Hindi kasi basta basta masisira yan. At tsaka pag friends kayo, natural lang lahat. You can be yourself when you’re with a friend, pero pag nasa ligawan, hindi maiwasan ang pagpapanggap. Kunwari yung lalake nanliligaw, araw-araw bago ang damit, kahit kailan hindi umulit! Tapos pag naging sila na nung babae, magtatanong yung girl. Hon, nasaan na yung ibang mga damit mo? Yung favorite kong polo mo? Tapos aamin yung lalake, ay hiniram ko lang yun sa kuya ko eh!” nagtawanan naman ang mga tao sa simbahan.

“Diba? Aminin niyo! Pag ang babae naman sa date, pag inalok ng lalake na kumain, laging sasabihin ay okay lang busog pa ako. Pero pag kaibigan ang mga kasama, sisigaw pa yan, limang extra rice nga! Well of course, we want to look best in front of the one we love dahil ayaw natin silang ma-turn off. But remember, your best form is you being just yourself. God made you like that, so when a person does not accept you for who you are, then you deserve better. Diba?”

“Pero ito, wala namang masamang ma-in love. Pero sana, magmahal tayo sa tamang paraan. You don’t have to rush things. Get to know the person first, maging kaibigan muna kayo bago maging kasintahan. At para sa mga lalake, if you have finally won a woman’s heart, wait for marriage. Build your relationship on love and trust, and not on lust.”

“Every woman in this world is worth the wait. Tandaan niyo yan, girls ha? Kung mahal talaga kayo ng lalake, maghihintay siya hanggang makasal na kayo. You don’t consume the person you love. Love is giving the best, serving the best, offering the best, and presenting the best to the recipient of your love. Love is a gift from God, so cherish it. And contrary to popular belief, love is not an absolute feeling or emotion. You also have to think, kaya nga tayo binigyan ng intellect ni Lord, hindi ba? So love responsibly. Amen? I believe in God..”

Naloka naman ako. Friendship. Wait. Relationship. Love. Kahit si Father pinatatamaan ako!

~

12 am na nang matapos ang shooting namin ng GBBT. Habang nasa byahe pauwi, nag-check naman ako agad ng phone ko at baka may nagtext na importante. And speaking of importante..

From: Ana Karylle

hi! are u busy tom? wanna jog with me? :)

Napangiti naman ako at karakarakang nagtype ng reply ko.

To: Ana Karylle

Sureness! Saan? Anong oras?

Pipindutin ko na sana ang send nang may maalala ko. Ang lambot lambot mo! Diba nga, wait lang muna?! Binura ko naman agad ang message ko at nagtype ulit ng bagong reply kahit labag sa loob ko.

To: Ana Karylle

Sorry Kurba next time nlang. Pagoda si bakla eh, kakatapos lang ng taping ko. Good night!

Layuan naman sana ako ng mga temptasyon, Lord! Chos. Pero oo nga, kailangan ko talaga ‘tong gawin. Kailangan ko munang mag-stay put, maghintay, para malinaw-linawan din ako sa mga ganap. Aaminin ko, may parte parin sakin na ginugustong hindi ma-confirm ang feelings na ‘to para tapos na ang problema, para back to normal na ulit ang buhay ko, kung saan ako sanay. Ewan ko ba! Pero siguro ito na nga yung pinaka-magandang gawin sa ngayon, saka ko na iisipin yung susunod na move pag nandun na ako sa next step, pag nakalampas na ako dito, kung anuman ang resulta ng experiment kong ‘to. Tiwala rin naman ako sa payo ni popcorn, total lalake siya. Alam naman niya yung mga ganito. At masyadong malakas ang convincing power ni Father!

Pero paano nga ba ako maghihintay? Magpapaagnas ba ako, ganern? Kailangan ko bang bigyan ang sarili ko ng deadline? Okay na ba yung dalawang linggo? Ay, parang masyadong maikli. Ang kati kati ko naman. Isang buwan? Ahh teka nga! Kung hindi alam, magtanong kay google! Ang systematic at theoretical man pakinggan pero sabi nga kanina ni Father, hindi lang dapat puro damdamin ang pinapairal. Yes namaaaaaan.

how long does infatuation last

Uy kaloka, bentang-benta sa searches! Ang dami palang namomroblema ng ganito. Pero hindi naman siguro sila mga baklang nagkagusto sa babae diba? One in a million case ata itong sakin eh!

Infatuation describes the intense range of feelings present at the beginning of most relationships; sweaty palms, rapidly beating heart, butterflies in the stomach. The world is a better, more beautiful place because the object of your affection is with you. Every time you touch is thrilling, you remember every conversation, and your thoughts revolve around them. In more common terms, this is a crush. Crushes are a very real, normal part of human life. Everyone experiences at least one crush at some point or another in their lives.

Puro kalandian lang pala ang infatuation. Hay nako sana dati pa ako nagbasa-basa ng mga ganito! 

Infatuation gives you goosebumps. It puts that silly smile on your face that you can't seem to shake. It fills your mind with wonderful daydreams. It occurs almost instantaneously but it is short-lived. Infatuation flourishes on perfection – you have an idealized image of your partner and you only show your partner your good side. It is basically being only in love with love. This phase lasts usually from one to six months, but can last as long as two years.

“Two years?!”

Napalingon naman si Russ mula sa front seat. “Ha? Anong two years?”

Umiling-iling naman ako. “Ah wala wala. May binabasa lang kasi ako.” sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay at umayos na ulit ng upo.

Pero utang na loob, ang tagal tagal naman! So anong gagawin ko? Alangan namang maghintay ako ng two years bago ko sabihing okay in love nga talaga ako. Parang tanga lang! Okay na kaya yung three months testing period? Hala ang taray parang researcher lang ang peg!

Ngayon naman, ang strategy. May deadline na, pero paano nga talaga ako maghihintay? Tutunganga lang sa gilid? Go with the flow lang? Dededma, iiwas, tapos pag hindi hinanap-hanap edi wala? Didikit-dikit para magkaalaman na talaga? Tapos kung wala naman talagang epekto kahit magmukha na akong linta, edi wala talaga? Ano beyy? Ito rin ang mahirap pag sa google ka naghahanap ng sagot kasi ang dami-dami nila, iba-iba pa, saan ka ba dapat maniwala? Sa puso? Eh ano ba kasing sinasabi ng puso?

Nakakalamutak naman ng utak at mukha ‘tong ginagawa ko. Sige na nga, magdedesisyon na ako.

Effective bukas.

Dedma. Iwas. At pag pinapatay na ako ng paglayo sakanya.. ah basta bahala na muna. Yun na muna ang gagawin ko. Next time na yung next step, hindi na keri ng utak ko.

Sorry K, pero para rin sa ating dalawa ‘to.

[A/N: Sorry maikli lang, para maayos yung division ng chapters. :) Anyway, pinublish ko nga pala yung first chap ng bago kong VR story. Try niyo rin basahin then tell me what you think, para malaman ko kung itutuloy ko ba siya or scrap nalang. :)) AU kasi siya. So, yun. Thank you sa pagbabasa! ;)]

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon