22. Broken Hearted?!

36.2K 869 26
                                    

~

APAT NA BUWAN pa ang lumipas. Hindi siya umalis ng Japan hanggat hindi niya naayos ang gusot ng kapatid niyang si Leon. Natutuwa nga siya ng manganak na ang dati nitong asawa. Napakagaan sa pakiramdam ng makita niya si Zera Lavinia. His first niece. Bigla ay naisip niya kung sila kaya ni Robbie ay magkaroon na din ng anak?

Mapait siyang natawa sa naisip niya. Napaka-imposible naman yata kasi noon. Sa apat na buwan na paninirahan niya dito sa Japan, panay pa din siyang nakasubaybay kay Ayana pero nasasaktan lang siya sa tuwing nakikita niya sa mga Filipino Magazines and News ang usaping in a relationship na ito sa putang inang Blaze Chua na iyon. Darn! Inaamin niya na hindi niya iyon matanggap.

Ang gusto niya lang sana ay bigyan lang ng ilang linggong space si Ayana. Pero nagugulat nalang siya sa mga lumalabas na balita sa mga social media. Ni hindi niya nga alam kung ano ang bagay na iyon. Nagpaturo pa siya kay Zia iyong dating asawa ni Leon na magiging asawa na nitong muli.

Panay niyang nakikita sa IG account ni Ayana na palagi nitong kasama si Blaze, minsan pa nga ay naroon din ito sa isang photoshoot ng binata na labis na ikinasakit niya. It sounds so gay but he's really hurt that time. Nagseselos pa nga siya sa mga palitan ng tweets ng dalawa sa twitter. Fuck it! Natuto tuloy siya ng mga ganoong bagay dahil sa kaka-stalk niya kay Ayana.

Masakit man sa kanya, tinanggap na niya. Nakikita naman niya kasi kung gaano kasaya si Ayana sa binata. Ang ganda ng ngiti nito iyong para bang wala na talagang pag asa na bumalik ang ala-ala nito tungkol sa kanya.

"Jaguar! Para kang tanga dyan! Puno na iyong baso!" Zia exclaimed.

Doon naman siya tumalima. Fuck! Nagsasalin pala siya ng tubig sa baso. Hindi niya namalayan na umaapaw na pala iyon.

Agad naman siyang tinulongan ni Zia na linisin iyon. May isang buwan na din ito noong nanganak, at dito iyon sa Pilipinas. Mukha namang nagkaayos na ito at ang gago niyang kapatid. Mabuti naman iyon kundi ay ibabaon niya talaga ng buhay si Leon Chui.

Natatawa pa nga siya minsan dahil nagseselos si Leon sa kanya. Close na close daw kasi sila ng future wife nito. Siya naman ay mas lalo niya pa itong inaasar.

"Sinabi ko naman sayo na tigil tigilan mo na ang pagsha-shabu e!" Alam niyang biro iyon para matawa siya pero hindi naman niya nagawang tumawa. "'To naman ang seryoso! Joke iyon!"

"Alam ko, hindi naman ako nagd-drugs!" Umingos siya.

Tumawa naman si Zia. "Mukha ka kasing naka-drugs dyan sa mga pinag gagagawa mo! Nandito ka na kasi sa Pilipinas hindi mo pa puntahan!"

Natigilan siya. Nagyuko pa nga siya ng tingin. "Masaya na siya na hindi niya ako naalala."

"Hay naku! Ewan ko sayo Jaguar! Ang drama mo. Sayo pala nagmana si Leon! Gosh! Nakaka-stress kayong dalawa."

"What's goin' on here love?!" Dinig niyang anang kapatid niya.

Agad naman na nangunot ang noo nito ng makita siya. "Ano nanamang ginagawa mo dito?!" Inis na tanong nito. "Ginugulo mo ba ang asawa ko? Gago! May anak na kami!"

Binatukan niya ang kapatid niya. "Tang ina mo Leon! Umayos kang hayop ka mas matanda pa din ako sayo!" Sinikmuraan niya pa ito.

Tawa naman ng tawa si Zia. Nailing na lamang siya at saka linisan ang lugar. Obvious naman kasi na maglalambingan nanaman ang dalawa. OP lang siya doon.

Dumiretso na si Jaguar sa unit niya. Balak niya na itong ibenta kaya unti unti na niyang kinukuha ang mga importanteng papeles na naroon. Wala naman na kasi siyang dahilan para tumuloy pa sa lugar na iyon. Kala lang naman niya binili ang unit na iyon para masilayan niya araw araw ang mukha ni Ayana. Fuck! So gay.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon