5. Worst Day

42.8K 1K 24
                                    


~

PALINGA LINGA muna si Robbie bago siya lumabas ng Hospital. Hindi niya alam kung bakit takot na takot siyang makasalubong niya si Jaguar. Shit lang kasi, pagkatapos ng nangyari sa unit nito ay wala na siyang mukhang maihaharap dito. Gustohin man niyang tuktokan ang sarili niya dahil sa kagagahan niya ay hindi niya din magawa. Natatakot siyang mabawasan ang kagandahang taglay niya.

Dumiretso na siya sa malapit na supermarket. Nilalakad niya lang iyon, ayaw niyang masayang ang gasolina ng sasakyan niya gayong kaya naman niyang lakarin ang pagitan ng supermarket at ng Hospital nila. Isa pa, mas magiging sexy siya kapag naglakad siya, exercise iyon noh!

Anyway, naubosan na kasi siya ng stock ng pagkain sa Hospital. Alam niyang ganoon din ang kapatid niyang si Robin. Mukhang marami siyang pamimilhin sa supermarket. Magpapahatid nalang siya sa mga dicer doon tulad ng dati. Regular customer din kasi siya doon.

Maayos naman siyang nakarating sa supermarket ngunit agad ding nalukot ang mukha niya ng makita niya ang pamilyar na lalaking nakatayo sa labas ng supermarket na tila ba may hinihintay.

Ugh! That chinky bastard!

Iyong manyak na ng halik sa kanya. Kahit na alam niya ang totoong siya ang nanghalik dito. Bah! Itatangi at itatanggi niya pa din iyon.

“Hey babe!” Bati pa nito. May pa-kindat kindat pa itong nalalaman kaya mas lalong nainis si Robbie.

She rolled her eyes and walked passed by. Wala siyang panahon sa lalaking ito. Sa tuwing nakikita niya kasi ito ay hindi niya maiwasang hindi pamulahan ang kanyang pisngi, naaalala niya kasi ang nangyari sa kanila sa unit nito. Gosh! Ang ganda niya talaga!

Kumuha na siya ng isang push cart. Hindi man siya lumilingon sa likoran niya alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaking iyon.

Una siyang nagpunta sa gamit pangkusina. Wala na din kasi siyang mga spices. Naglagay siya ng salts, pepper, vegetable oil, soy, vinegar, at marami pang iba. Napatigil lang siya ng makita niya si Jaguar sa tabi niya at naglalagay ng kung ano-ano pa sa CART niya. Oo sa cart niya mismo dahil wala namang dala dalang push cart ang binata.

“What the hell Jaguar! Itigil mo nga iyan! Hindi kami gumagamit ng seasoning! Ano ba!” Saway niya.

Naglalagay kasi ito ng kung ano-anong seasoning sa push cart niya. Hindi naman talaga sila gumagamit ng ganoon ni Robin.

Mas lalo pa siyang nainis ng umasta ito na para bang hindi siya naririnig. “Jaguar ano ba! Ang kulit mo naman e! Stalker ba kita at sunod ka ng sunod sa akin?!” Singhal niya pa dito.

Napalakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin sa kanila ang mga kalapit nilang customer at ang ilang mga promo dicer doon. Bigla ay nakaramdam siya ng hiya. Goodness! Nagiging butangera siya sa tuwing nakikita niya ang singket na to!

Akmang manghihingi siya ng tawad ng akbayan siya ni Jaguar at humarap sa tulad nilang customer.

“Pasensya na kayo! Naglilihi kasi ang asawa ko.” He said while flashing his perfectly white pearl teeth. Iyong ngiting makalaglag panty.

Damn it Robbie! Ano bang iniisip niya? And wait, did he just say asawa?! Goodness! Bigla nalang nagkulay pula ang buong mukha niya, mahihiyang tumabi sa kanya ang mansanas.

Sa halip na singhalan niya ito ay ngumiti nalang din siya iyong hindi halatang pilit pero napipilitan lang talaga siya. Ayaw naman na niyang gumawa pa ng eskandalo sa loob ng supermarket.

Pinanlakihan niya ng mata si Jaguar habang nakangiti. “Ang gwapo gwapo kasi ng asawa ko, ang sarap lang tirisin ng pinong-pino.”

Kinindatan lang naman siya ni Jaguar. Bwesit!

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon