17. Strong enough to make me scream

36.3K 917 9
                                    


~

ILANG ARAW din na nanatili si Robbie sa poder ni Jaguar. Dito siya dinala ng binata sa condo unit nito na katabi lang ng Hospital nila. Sa ilanh araw na pananatili niya dito, ni hindi man lang siya kinikibo ni Jaguar. Ayaw talaga siya nitong pansinin. Noong isang araw halos maghubad na siya sa harapan nito para lang mapansin siya ng binata ngunit pilit lang siya nitong ini-ignora. Mayroon pa noong sinabayan niya itong kumain, pinapangit niya talaga iyong lasa ng pagkain para lang kausapin siya ng binata, kahit na sa paraang nagrereklamo basta kausapin lang siya nito pero nga-nga! Ang tibay nito! Hindi talaga siya nito pinapansin.

Ngayon! Ito na ang last plan niya! Ewan niya lang talaga kapag hindi pa bumigay si Jaguar sa alindog niya.

Sumulyap siya sa saradong pinto ng banyo. Dinig na dinig niya ang ragasa ng tubig. Alam niyang naliligo na si Jaguar sa mga oras na ito. Napabuntong hininga siya, how she missed everything on him. Mahawakan man lang niya ang binata hindi niya magawa. Napakalapit nito sa kanya pero napakalayo naman na ng loob nito sa kanya.

Gusto niya pang sumuko pero hindi siya susuko hangga't may hawak pa siyang alas!

Ang kagandahan niya! Chos!

Nagbuga ng hangin si Robbie bago tinanggal ang lahat ng saplot niya sa katawan. Kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para bumalik sa kanya si Jaguar. Saka na niya tatanongin kung ano ba talaga ang naging dahilan nito sa pagtataboy nito sa kanya.

Napapagod na din kasi siya na panay nalang na ganito ang binata sa kanya. Nandito nga siya sa tinotuloyan nito, nauwi nga dito si Jaguar, hindi naman siya nito kinakausap. Para bang anino lang siya sa lugar na ito, para bang wala siyang puwang sa buhay nito. Nararamdaman niya man ang paglayo ng loob ng binata, alam naman niya sa sarili niya na may nararamdaman pa ito para sa kanya.

Nang minsan ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Those chinky eyes was full of emotions that time, alam niya, may kakaiba, ganoon pa din ang pagtitig sa kanya ng binata mula noong umamin ito sa kanyang mahal siya nito.

Inayos niya ang sarili niya at nahiga sa kama. Pasensyosa niyang hinintay ang paglabas ni Jaguar mula sa banyo kahit na alam niyang dalawang oras ito kung maligo. Goodness! Dinaig pa siya.

TUMUTULO pa ang mga butil ng tubig sa kanyang katawan ng lumabas siya ng banyo. Hindi na nag abala pang ipulupot ni Jaguar ang tuwalya sa kanyang bewang, lumabas nalang siyang ganoon. Pinupunasan niya ang kanyang buhok ng mapagtanto niyang may tao pala sa loob ng kanyang silid. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Ayana na walang kahit anong saplot sa katawan habang nakahiga sa kanyang kama.

Napalunok si Jaguar. Agad niyang ipinulupot ang puting twalya sa kanyang bewang upang hindi mapansin ng dalaga ang nabubuhay niyang alaga. Damn it! Robina Ayana will always be his sweet temptation.

She seductively looked at him as she bit her forefinger. Dang! She looked so sexy as hell! Kung alam lang nito kung gaano siya nagpipigil araw araw na hindi ito angkinin.

He cleared his throat. “W-w-hat..” Take two, he cleared his throat. “What are you doing here Robina?!” He said in a serious tone.

Nakita niyang bumagsak ang balikat ng dalaga ngunit agad din naman itong tumalima at tumayo bago naglakad papalapit sa kanya. Maka-ilang ulit pa siyang napalunok dahil hindi niya maiwasang mapatingin sa pagkababae nito. Fuuuck! Pakiramdam niya ay nanunubig ang kanyang bagang, gusto niyang hilahin pabalik sa kama si Ayana at saka angkinin ng paulit ulit. But then, ang main agenda niya kaya hindi niya ito pinapansin ay gusto niyang ito na mismo ang kusang umalis sa unit niya.

Mahal niya si Ayana at ayaw niyang madamay ito sa gulong kinasasangkutan nila lalo na ngayon na hindi pa masyadong malinaw sa kanya ang lahat ng impormasyon na hawak niya tungkol kay Lizana Aviona. That witch!

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now