20. It's Over Now

36.1K 925 26
                                    

~

KINAUMAGAHAN ay bumalik si Jaguar sa Hospital nina Ayana. Hindi man siya matandaan ng babaeng mahal niya, hindi naman iyon siguro sapat para sumuko siya diba? Hangga't hindi sinasabi ni Ayana sa kanya na umalis siya at ayaw na siya nitong makita, hindi siya bibitaw. Hinding hindi.

Iyon ang natutunan niya. Sana pala ay niing una palang hindi na niya hinayaan pang mawala sa paningin niya ang babaeng mahal niya. Sana pala ay hindi na niya ito pinagtabuyan pa, pero okay lang ngayon naman ay babawi siya, sisiguradohin niyang mababawi niya ang lahat ng mga pagkakataong nasayang sa kanila.

Holding a bouquet of yellow roses, he entered her room. Nakangiti pa siya ngunit agad din naman iyong nawala ng makita niya si Blaze Chua sa loob ng silid na iyon, nakikipagtawanan pa ito sa girlfriend niya. Seeing them like that made his heart ripped into two. But he won't let his guards down.

He cleared his throat na naging dahilan ng pagbaling sa kanya ng dalawa.

He smiled at his Ayana. "Hi!"

Tipid lamang siya nitong nginitian at muling bumaling kay Blaze. Napabuntong hininga siya, sa nakikita niya, mukhang ang undying imaginary love nito kay gagong Blaze ang naalala nito.

Inilpag niya ang bouquet ng flowers sa side table nito. Nilapitan niya si Ayana upang hagkan ito sa pisngi ngunit ito na mismo ang umiwas sa kanya.

Again, his heart ached on that.

"Alright." He smiled. "How was your day babe?!" Trying to open some conversation.

Nabuhayan siya ng makita niyang ngumiti ng pagkatamis tamis si Ayana.

"I'm good! Ikaw ba naman dalawin ng ultimate crush mo e!" Nginitian nito si Blaze. "Thank you again, Blaze."

"You're always welcome Robbie." Tumayo na ito. "I better get going, my shoot pa ako." He kissed her temple. "Bye, you take care. See you again."

"You too."

Parang ewan lang doon si Jaguar. Para bang pinanood niya lang ang sweet moments ng dalawa. Ang problema, imbes na kiligin siya sa dalawa ay mas lalo lang siyang nainis! Fuck it! He's fucking jealous! For fuck sake! Siya iyong boyfriend. Dapat sa kanya lang ngumingiti ng ganoon si Ayana.

Natahimik ang buong silid. Sila nalang kasi ang naroon. Gustohin mang mag umpisa ni Jaguar sa usapan ay hindi niya magawa. Halata kasing naiilang sa kanya ang dalaga.

Tumikhim siya. Hindi naman siya pinansin ng dalaga. Napabuntong hininga na lamang siya at inokupa ang upoan na kanina ay inuupoan ng hayop na Blaze Chua na iyon.

"Are you okay now Ayana? Wala ka pa din bang naalala?!" He was hoping. Still hoping.

Nag iwas ng tingin ang dalaga. "W-wala. At ayoko nang alalahanin pa. Hindi kita kilala, tapos ang usapan."

Again, he let out a heavy sigh. "I know that your situation is really hard right now, but please, I'm begging you babe.. please recognize me even in just one second."

Yes, he's being desperate. Ayana is his sweet temptation. Anim na buwan na itong nakaratay sa kama tapos pag gising nito ay hindi pa siya nito makilala. Damn! Ang sakit sakit na! Grabe na ang sobrang pagka-miss sa dalaga.

"Ayana.." He called out her name again.

"Just please let me be.. Hindi kita kilala at sa tuwing nakikita kita masakit sa bandang puso ko. Nasasaktan ako, kaya mas maganda kung umalis ka nalang."

"Ayana.."

"Ayaw na kitang makita. Umalis ka na." Pagtataboy pa nito sa kanya.

Wala ng nagawa pa si Jaguar. Nanlulumo siyang lumabas ng silid. Maybe he could give her space, isa pa ay kailangan niya namang pumunta ng Japan ngayon, may mga bagay siyang aasikasuhin doon bukod sa naroon ang dating asawa ng kapatid niyang si Leon na ngayon ay mabuting kaibigan na niya.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now