10. Until forever ends

41.1K 1K 18
                                    


10. Until forever ends
~

NAGISING SI Robbie dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahiya. Inaalala niya kung may malala na siyang sakit sa puso. Kaso wala naman kaya bakit naman siya hindi makahinga?! God! Mamatay na ba siya?! Agad siyang nagmulat ng mga mata. Ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng mapagtanto niya kung bakit siya hindi makahinga.

Jaguar was on her side. Hugging her tight while sleeping peacefully. Nakadagan din ang isang binti nito sa kanyang hita. At hapit na hapit siya sa kayawan ng binata.

Dahil hindi na talaga siya makahinga. Sinipa niya ito ng malakas dahilan para malaglag ito sa kama.

"Fuck! Fuck! Fuck! Holy fuckingshit of fuck!!" He cussed. Nakahawak ito sa bandang crotch area nito.

"Sorry, hindi na kasi ako makahinga sa yakap mo."

He glared at her. "Damn it Ayana! Ginising mo nalang sana ako! Hindi iyong sisipain mo pa yung alaga ko! Fuck, oww! Pangalawang beses na 'to Ayana! Tang ina! Paano kapag nabaog ako?! Paano na kita mabubuntis niyan?!"

She gasped upon his bluntness. Putakte naman! Hindi pa nga siya nakakahuma sa sinabi nito noon tapos ganito pa ang mangyayari?! Damn it! Ano kung ano ano talaga ang lumalabas sa bibig ni Jaguar Chui.

Inirapan niya ito saka siya bumaba sa kama. "Bahala ka sa buhay mo! Dyan ka na nga. Nauuhaw ako!"

Lumabas na siya sa silid. Iniwan na niya si Jaguar doon na namimilipit sa sakit. Natawa siya, naalala niya kasi iyong unang beses silang nagkita ng binata. Namilipit din ito sa sakit ng tuhorin niya ito. Ang galing lang! Dati inis na inis siya kay Jaguar. Ngayon, mas inis na inis na siya dito. Tang ina kasi! Kung ano-ano ang sinasabi.

Nasa may hallway pa lang siya sa second floor ng malaking lugar na iyon ng may marinig siyang sunod sunod na paghikbi. Napatigil si Robbie. Shit! Baka may multo dito?! Anong oras na ba?! Alas-tres pa lang ng madaling araw. Oras ng labasan ng mga multo. Bwesit! Bakit ba kasi hindi siya nagpasama kay Jaguar kumuha ng tubig?! O kaya ito nalang ang pinakuhanan niya ng tubig.

Nakarinig si Robbie ng pagyabag. Nagmadali siyang maglakad. Kinakabahan siya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya dahil sa takot. God! May multo yata talaga dito. Swear bukas na bukas ay uuwi na siya sa Hospital nila. Buti pa doon, kahit na marami ng namatay wala namang nagpaparamdam sa kanila. Dito, oh God! Natatakot na siya talaga.

Mas lalo pang lumakas ang mga yabag na papalapit sa kanya. Mas dinoble niya pa ang bilis ng paglalakad niya. Peste! Nasaan na ba kasi ang letseng hagdanan na yan?! Bakit kung kailan kailangan hindi niya makita.

Laking gulat niya ng may humawak sa balikat niya.

"Ay penis!!" She exclaimed. Nagulat talaga siya. At dahil sa gulat niya ay nakalmot niya ang multo na iyon. "Lumayo ka masamang espiritu! Si Robin nalang ang multohin mo, huwag ako!" pinagkakalmot niya ito. Thankfully, mahaba ang kuko niya.

"Stop it Ayana! Fuck! Mahapdi na iyong leeg ko! Pati pisngi ko nadali mo pa!" A familiar baritone voice hissed.

Napatigil si Robbie. Si Jaguar pala iyon. At puno na ng kalmot ang leeg nito, maging ang pisngi nito. Pero gwapo pa din naman.

"Sorry. Akala ko ligaw na espiritu."

"Fuck! Hindi ko alam kung saan ka dinadala niyang imagination mo!" He hissed. Hinawakan nito ang leeg nito. "Damn it! Ang hapdi! Mas maiintindihan ko pa kung kinalmot mo ako habang umuungol ka sa sarap at sinisigaw ang pangalan ko. But this? I don't deserve this. You'll be punish."

Bago pa man siya makasagot ay hinila na siya ni Jaguar at isinandal sa malamig na pader. He pinned him to the wall and smashed his lips on hers. Impit na napa-ungol si Robbie dahil sa pusok ng mga halik ni Jaguar sa kanya. His lips were so intoxicating. Ang bilis bilis na naman ng tibok ng puso niya but this time not beacuse she's scared, it is because of Jaguar Chui.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now