18. I won't leave you again

38K 927 10
                                    

~

KINAKABAHAN si Robin ng malaman niya ang nangyari sa nag-iisa niyang kapatid na si Robina Ayana. Nasa parking area lang ng MMI nangyari iyon mabuti nalang din at naroon pa si Black kaya hindi na nila kinailangan pa na dalhin si Robbie sa ibang Hospital. Isa pa, ay may mga kagamitan naman silang makakatulong kay Robbie.

Damn! Kanina pa siya paikot ikot sa labas ng pribadong silid na inuokupa ni Robbie, nasa loob pa din ito kasama si Black at mukhang ina-undergo ito sa isang operasyon. Hindi siya mapakali, kailangan niyang masigurong maayos ang kalagayan ng kapatid niya. Gustohin man sana niyang pumasok sa loob para makatulong ay hindi na siya pinayagan pa ni Black.

Napatingin siya kay Jaguar Chui na nakaupo sa isang tabi. Tulala ito at para bang hindi ito makapaniwala. He knew him, alam niya din ang estado ng relasyon nito sa kanyang kapatid. Marami siyang alam dahil nariyan naman si Aisne na nagsasabi sa kanya tungkol sa kanyang kapatid. Gustohin niya mang sisihin ang lalaking nakaupo ngayon at tulala sa nangyarinsa kapatid niya ay hindi niya magawa. Wala naman siya doon noong mga oras na nangyari iyon pero isa lang ang sigurado niya, alam niyang malaki ang kinalaman ng nangyari kay Robbie sa grupong kinabibilangan nina Aisne.

Lumipas pa ang ilang minuto ay hindi pa din lumalabas si Black sa silid ni Robbie. Kating kati na siyang pumasok sa loob ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili.

Damn! Kinakabahan siya.

“Robin!!”

Napalingon siya sa may handang gilid niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng babaeng minsang nagpatibok ng puso niya. It's Arian Aisne, bumaba ang tingin niya sa umbok nitong sinapupunan. Halata na ang pagbubuntis nito sa pangalawa nitong anak kay Demon. And speaking of the devil, nakasunod lang ito kay Aisne at matalim nanaman ang titig sa kanya, ganoon naman ito palagi.

Puno ng pag aalala ang kulay abong mga mata ni Aisne. “What happened?! Okay na ba siya?!”

“Calm down my Queen.”

KITANG KITA ni Jaguar ang labis na pag aalala ng Reyna sa kalagayan ng babaeng mahal niya. Maging siya ay hindi mapakali. Pinilit niya lang ang sarili niya na maging kalmado pero ang totoo ay kanina pa siya nanlalamig sa takot na baka kung ano na ang nangyari kay Ayana. Damn! Kasalanan niya ang lahat ng ito e. Sana ay hindi nalang niya pinagtaboyan pa ang babaeng mahal niya, kung hindi niya ginawa iyon sana ay maayos pa ang lagay ni Ayana ngayon.

“Hindi ko din alam kung anong nangyari. Why don't you asked your comrade? Siya ang kasama ni Robina kanina.” Dinig niyang anang kapatid ni Robbie.

Agad namang napabaling ang tingin sa kanya ng Reyna. Tumayo siya sa kinauupoan niya ng makita niyang papalapit ito sa kanya. Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kanyang magkabilang pisngi. Somehow, alam na niyang iyon ang unang gagawin sa kanya ng Reyna kapag nakita siya nitong muli. Alam naman niya kung gaano ka-importante dito ang babaeng mahal niya.

“I told you to protect her and stay by her side!!” She said, angrily. Sinubukan pa itong pakalmahin ni Master Demon dahil buntis ito ngunit maging ito ay wala ng nagawa pa. “I trusted you Jaguar Chui! Di ba sinabi ko na sayo na kayang kaya ko ang Lizana fucking Ybarra na iyon?! Hindi ka nakinig! I am the Queen, Jaguar! Pero hindi mo ipinagkatiwala sa akin ang bagay na ito!” She hissed.

Nanatili namang tahimik si Jaguar. He honestly can find a word to say. Pakiramdam niya ay umurong ang dila niya.

Tinalikoran siya ng Reyna. “I know that you worship me so much Jaguar. I know how much you love the Torturers but to tell you, don't you ever sacrifice your love just for me, because I can handle myself Jaguar and in fact, my Demon is always by my side.”

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now