6. Dream Date

39.4K 1.1K 57
                                    


~

YESTERDAY is the worst day of her life. Damn it! Hinihiling niya na sana lang talaga ay hindi magtagpo ang landas nila ng lalaking singkit na iyon dahil Arggh! Hindi niya na talaga alam kung ano ang gagawin niya. That brute! Sana lang talaga ay hindi na ito isinilang sa mundong ibabaw. Jeez! He is so annoying.

At dahil hindi pa din maka-move on si Robbie sa mga nangyari kahapon. Napag isipan niyang i-relax muna ang sarili, balak niya sanang umuwi ng Batangas, sa rest house nila ng kapatid niyang si Robin. Pinayagan naman siya nitong magbakasyon kahit na isang linggo lamang ang kaso lang naawa naman siya sa nakatatanda niyang kapatid kung iiwan niya ito dito sa Hospital. Heart broken pa naman ngayon ang kapatid niya dahil ikakasal na si Aisne sa iba. Duh! May anak na nga ito umaasa pa din ang kapatid niya.

Tanga lang ang mga taong umaasa lalo na't mas malinaw pa sa katotohanang walang pag-asa! Ah, basta! Maganda siya. Period.

Kinuha ni Robbie ang cellphone niya para i-check ang twitter account niya. Honestly speaking, gumawa lang siya ng mga social media account para i-stalk ang crush niyang si Blaze.

"Ow! Nag update si Baby sa twitter account niya." Kinikilig na aniya sa sarili niya.

Nakita niya kasi sa Notification niya na nag-update si Blaze Chua ng twitter account nito. Ay! Best way to erase all her bwesit memories yesterday.

Good to start her day.

@BlazeChua
Ask me whenever you want. Just use the #AskBlaze

May heart emoticon pa ito kaya halos malaglag na si Robbie sa swivel chair niya sa sobrang kilig. Binasa niya ang ibang comments doon at may ilan ng mga tanong para sa binata. Agad naman iyong sinasagot ng modelo.

Ohmygod! Ohmygod!

What should I ask? Eeee! Kinikilig talaga siya e. Baka naman hindi siya makasingit dahil sa daming fans na nagtatanong dito.

Then she type it.

@BlazeChua can we have a date? #AskBlaze

Kyaak~ Sana lang talaga ay mapansin nito ang tanong niya. Yeesh! That would be her dream cone true, hindi man siya nakarating sa mall show nito kahapon, bawing bawi naman siya kapg pumayag itong makipag date sa kanya.

God! After that liligawan na niya talaga si Blaze.

After twenty minutes nagreply si Blaze sa comment niya.

@PINAKAMAGANDA Sure.

Literal siyang nalaglag sa upoan niya ng mabasa niya ang reply nito. Ohmygod! Ohmygod! Naghi-hyper ventilate ang puso niya. Idagdag mo pa ang wink emoticon at kiss emoticon sa reply nito sa kanya. Shit lang talaga! Ito na yon!

Wala siyang pakialam sa mga iba pang nagco-comment at magsasabing ang swerte niya daw. Ha! Mamatay kayo sa inggit!

"Eeeeeeeekkk!" Tili niya sa loob ng opisina niya.

Mas lalo pang lumakas ang tili niya ng mag private message sa kanya ang binata tungkol sa date na hinihiling niya. Shit lang talaga. Kung kahapon iyon ang kasumpa sumpabg araw sa tanang buhay niya. Ngayon! Ngayon ang pinakamagandang araw sa buong buhay niya.

A dream date with her dream guy.

What a perfect timing!

God! Kailangan na niyang mamili ng susuotin niya. Gucci? Dolce and Gabbana? Prada? Goodness! She should ware her most expensive clothes, kailangan niyang paghandaan ang araw na ito.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now