Disclosure

30K 899 12
                                    

Chapter Twenty Two

One hour earlier...

"WHAT are you doing here?"

Nang sumalubong kay Terrence ang mataray na bungad ni Carlotta pagpasok niya sa bar ay naisip niyang mayroong hindi tama. Hindi naman ito ganoon kataray sa kanya. Maliban na lang kung may atraso siya na hindi niya alam.

"Ahm, narito ba si Belinda?" bagama't maaga pa ay nagbakasakali na rin siyang naroroon na ang dalaga. Naisip niya kasi na baka magkasalisi sila kung sa bahay nito siya tutuloy.

"Wala. Kaya bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko sa'yo, lumayas ka na sa harapan ko. Baka hindi kita matantiya."

"Whoa, whoa. May atraso ba ako sa'yo?"

"Sa akin, wala. Pero sa kaibigan ko, malaki."

"Is she pregnant?"

Biglang napipi ang kausap niya. Pagkatapos ay sukat bigla itong tumawa!

"Uh, I missed the punchline," napapangiwing sabi niya.

"You are the punchline," naiiling na nagpahid ito ng sulok ng mga mata. "Hmpf! Ano pa ang kailangan mo? Sakali ba at buntis nga ang kaibigan ko, pananagutan mo ba?"

"Of course," walang pasubaling sagot niya.

Napaismid si Carlotta. "Pananagutan daw. Tapos nakikipagbalikan ka sa ex mong si Georgia."

"What? Who told you about that nonsense?"

"Narinig lang naman namin ang pag-uusap ni Georgia at ng mga Wonder Girls niya. Nagkataong nasa iisang vicinity kami kaya dinig na dinig namin ang usapan nila. Tumawag ka pa nga sa kanya."

"When? The last time I saw her was at a charity fund-raising event. Since then ay hindi na ulit kami nagkita o nagkausap kahit sa telepono."

"Totoo ba 'yan?"

"Yes. Why would I lie?"

Matiim pa muna siya nitong tinitigan bago ito ganap na nakumbinsi na nagsasabi nga siya ng totoo.

"Wala si Billie," malumanay ng sabi nito pagdaka. "Rest day niya ngayon at nasa bahay lang siya, she's spending some quality time with her daughter. Kaso may malaking problema."

Naguhitan ng kunot ang kanyang noo.

"Nope. Hindi siya buntis, kaya lang ay may mga taong gumugulo ngayon sa katahimikan niya. Gusto ko sana siyang puntahan, kaso wala pa kaming nakukuhang  assistant manager para pansamantala kong maiwanan itong bar."

"Pupuntahan ko siya."

"Sandali."

Naudlot ang pagbaba niya sa kinauupuang bar stool. "Bakit?"

"Meron kang hindi alam."

"About Yanna?"

"A-alam mo na?"

Tumango siya. "I know everything."

"Everything?"

"Uh-huh."

"By everything, you mean Yanna, right?"

Siya naman ang napipilan. "Yes. May iba pa ba?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang naging tugon nito.

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?"

Gusto? Napangiti siya. "That's a classified information."

Napangiti rin si Carlotta. "Okay, I understand. Go."

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now