One Starry Evening

30.2K 848 7
                                    

Chapter Twenty Four

"WELCOME to my private sanctuary."

"Wow," tanging iyon ang numulas sa bibig ni Belinda nang tumambad sa paningin nila ang log cabin na sinasabi ni Terrence

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow," tanging iyon ang numulas sa bibig ni Belinda nang tumambad sa paningin nila ang log cabin na sinasabi ni Terrence. 

Malaki iyon kaysa ini-expect niya. Moderno ang yari at malayo sa isang rustic at simpleng log cabin. Brown shingles ang bubong, malalaking salamin ang mga bintana at sala-salabat na malalaking logs ang dingding. Maganda rin ang tanawin sa paligid, very close to nature. Kung hindi sa apat na oras nilang biyahe by land ay iisipin niyang nasa labas sila ng bansa dahil sa winter feel ng makukulay na puno sa paligid.

"Come on in, ladies. Rest and then mamaya, ipapasyal ko kayo."

Pagbaba nila ng sasakyan ay sumalubong sa kanila ang isang pareha ng middle-aged na babae at lalaki. Hula ni Belinda ay mag-asawa ang mga ito.

"Sina Manang Dulce at Manong Andoy nga pala, sila ang mga caretaker ko," pagpapakilala ni Terrence sa dalawang tauhan.

"Magandang araw po sa inyo, Ma'am. Sana masiyahan kayo sa pagbabakasyon dito," ani Manang Dulce.

"Sa palagay ko nga ho, Manang. Napakaganda po dito."

"Tama po kayo, Ma'am. Malamig din po ang klima rito kaya madalas akala niyo, e nasa Baguio kayo."

Matabil at madaling makagaanan ng loob ang katiwala ni Terrence. Bitbit ang kanilang bag ay sinamahan sila ng babae sa magiging silid nila upang makapagpahinga. Si Terrence naman ay nagpasintabing may gagawin saglit kasama si Mang Andoy.

"Napakalaki naman ng cabin na ito para sa isang bahay-bakasyunan," hindi naiwasang ikomento ni Belinda habang inililigid ang tingin sa buong kabahayan.

"Oo nga po. Pero noong minsan nabanggit ni Sir na mas masaya raw ang isang bakasyon kapag may kasama. At dahil tatlo silang magkakaibigan, naisip niyang palagyan ito ng dalawang ekstrang kuwarto bukod sa master's bedroom."

Napangiti siya. Noon niya lamang natuklasan ang ganoong side ni Terrence, maalalahanin pala ito sa mga kaibigan.

"Baka ho gusto niyo ng maiinom. May inihanda ho akong fresh buko juice o kung gusto niyo naman, ipagkakanaw ko kayo ng iba."

Kanaw? Kung hindi nabanggit ng katiwala ang juice ay hindi kaagad mauunawaan ni Belinda ang tinutukoy nito.

"Huwag na ho kayong mag-abala, Manang. Busog ho kami, magpapahinga na lang ho muna kami para may energy mamaya sa pamamasyal."

"A, kayo ho ang bahala. Meron namang intercom, kapag may kailangan kayo ay nasa kusina lamang ako."

"Sige po, maraming salamat."

Pagkaalis ng katiwala ay hinarap ni Belinda ang anak. Kanina niya pa napupuna ang manaka-naka nitong paghihikab. Oras na kasi ng siesta nito kaya minabuti niyang palitan na ito ng ipinambiyaheng damit. Matapos mabihisan ay tinabihan niya itong mahiga sa queen size bed habang sinusuklayan ng buhok.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now