Tripped

32.2K 905 15
                                    

Chapter Nine

LUMIPAS ang ilang araw na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Belinda. She needs an outlet to vent out the heavy load off her chest. At isang tao lang ang gusto niyang paglabasan ng lahat ng iyon. Idinayal niya ang numero ng dating estudyante ng kanyang ina na si Moochie Palermo. She used all her charms para makuha rito ang numero ng taong gusto niyang makausap. Hindi naman nagtagal at kausap na niya ang taong iyon. Si Ingrid.

"Hello, Mrs. Jeremiah del Prado."  

Hula niya ay saglit na natigilan ang kanyang kausap. Marahil ay nagulat ito sa tawag niya. O baka naman hindi siya nito nakilala?

"What do you want, Belinda?"

Napataas ang mga kilay niya. At least hindi naman pala mapurol ang memorya nito. "Looks like I made quite an impression, natandaan mo kaagad ako."

"Sinong esposa ang makakalimot sa babaing gustong angkinin ang kanyang esposo."

"Correction, he was mine."

"Correction, he was never yours, so get over it."

"My, aren't we being bitchy here?"

Narinig niya ang pagtawa ng kausap, mapakla. "Ikaw itong tatawag sa akin at sisirain ang araw ko, tapos ako ang tatawagin mo ng ganyan? Grow up, Belinda. You should start acting your age. Dapat mo ring matutunang pahalagahan ang mga magulang mo dahil matatanda na sila."

Parang biglang nagpanting ang tenga niya.

"Kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang mahusay na tao. Alam mo ba kung ano ang kalagayan ni Terrence? If I am not mistaken, lumaki kayong parang magkapatid. Pero bakit wala ka sa kanyang tabi ngayong meron siyang malubhang karamdaman?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Napangisi siya. "Oh, you don't know?"

"Bakit hindi mo pa ako deretsahin? May pakiramdam ako na bukod sa gusto mong sirain ang araw ko ay may dahilan kung bakit ka tumawag."

"Fine. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Terrence is dying."

Saglit na hindi nakapagsalita ang kausap niya. For a fleeting moment ay parang gusto niyang pagsisihan ang walang pasakalyeng paglalahad dito ng lagay ni Terrence.

"H-hindi magandang biro ito, Belinda. Kung gusto mo lang akong galitin ay hindi magandang biro ang gamitin mo ang pangalan ng ibang tao sa ganitong paraan."

"Sa palagay mo biro lang ang sinabi ko? Bakit hindi mo tanungin si Anthony--o kaya si Jeri? Tanungin mo siya kung bakit si Anthony ngayon ang pansamantalang namamahala sa kompanya," iyon lang at tinapos na niya ang tawag.

Napahalukipkip siya at tulirong nagpalakad-lakad sa kanyang silid.

Tama ba ang ginawa ko? balisang nakagat niya ang kanyang hinlalaki. 

Paano kapag may nangyari kay Ingrid? Buntis pa naman ito.

Shit.

Pinilit palisin ang nadaramang pagka-kunsensya. Hindi naman siguro ganoon kahina si Ingrid para maapektuhan nang labis sa mga sinabi niya.

Tama. Huminga siya ng malalim at itinaboy ang mga negatibong isipin.

Tatlong araw pagkaraan ay isang masamang balita ang natanggap ng kanyang mga magulang. Saul del Prado--Jeri's father--had a seizure at kasalukuyang malubha ang kondisyon. At dahil malapit na kaibigan ito ng kanyang ama ay kaagad silang sumugod sa pagamutan.

Lumong-lumo ang hitsura ni Jeri nang madatnan nila. Bagsak ang prominenteng porma ng mga balikat nito at medyo humapis ang mukha. Malayo ang hitsura nito sa mukha ng lalaking nagustuhan niya sa unang beses pa lamang na magkakilala sila. Bagay na nauunawaan niya sapagkat hindi lingid sa kanyang malapit ito sa amang si Saul.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now