Hello, Past

32.5K 1K 45
                                    

Chapter Ten

FOUR years later...

Maingay at puno ng enerhiya ang buong paligid. It was Friday night. At madalas kapag ganoong araw ay hindi halos mahulugan ng karayom ang loob ng Buccaneer's Bar. Normal na ang ganoong araw para sa magkaibigang Carlotta at Belinda. Malibang sa gabing iyon ay triple ang dami ng kanilang mga parukyano dahil two-year anniversary iyon ng kanilang bar.

They were inspired to put up that bar after watching Coyote Ugly. At habang nasa US, pinag-aralan nila ang pasikot-sikot ng negosyong iyon. They even worked as bartenders para magkaroon ng first hand experience sa daily operation ng ganoong establishment. At nang sa palagay niya ay plantsado na ang kanilang business plan, itinayo nila ang Buccaneer's Bar pagdating nilang magkaibigan buhat sa Amerika. 

"Any regrets?" nakangiting tudyo ni Belinda kay Carlotta habang nagbibihis ng kanyang pirate costume.

"Regrets? Are you kidding me? Teaming up with you and pursuing my writing career were the best decisions I have ever made in my life."

"Good. Because this is just the beginning, my friend." 

"You betcha!"

Matunog na naglapat ang kanilang mga palad nang sila'y mag-high five.

Tulad niya ay tutol din ang mga magulang ni Carlotta na itayo nila ang ganoong klase ng bar. Bukod sa pareho silang babae ay occupational hazard diumano ang pinapasok nilang negosyo. Pero dahil pareho silang may nais patunayan, itinuloy pa rin nila ang kanilang plano. And so far, kapwa sila walang pinagsisisihan sapagkat nahigitan pa nila ang kanilang expectations.

"Let's go and have some fun," aniya sa kaibigan matapos sipatin ang kanyang make-up sa salamin.

Tuwing Biyernes ay espesyal ang gabi sa Buccaneer's Bar. Meron silang mga dancers at singers na nagpi-perform sa ibabaw ng bar, Coyote Ugly-style. Nagsimula iyon nang pumasok sa unang anibersaryo ang kanilang establishment. Nang makita nilang positibo ang naging pagtanggap ng mga parukyano ay ginawa nilang once a month, naging twice a month hanggang sa maging weekly. Pero dahil second year anniversary ng bar sa gabing iyon, personal silang magpi-perform ni Carlotta.

"O, bakit hindi ka pa kumikilos d'yan?" untag niya nang makitang nanatiling nakatayo ang kaibigan at nakatingin sa kanya. "Don't tell me you're having cold feet? Two months na nating prinaktis ang routine, I'm sure yakang-yaka mo lang ang gagawin natin."

"Hindi iyon ang iniisip ko."

"E, ano? Ah, don't answer. You're getting into your character," may bagong isinusulat na erotic novel si Carlotta. At ang main character ng kanyang kaibigan ay isang virgin exotic dancer na nagta-trabaho sa isang exclusive night club na pinupuntahan ng mayayamang parukyano.

"No. It's about Janine."

Ang ngiti sa mga labi ni Belinda ay unti-unting nabura.

"W-what about her?"

"Nasa Pilipinas na siya kasama ang kanyang asawa."

"I see," ang tangi na lamang nasabi niya.

"Mamaya ko na sana sasabihin sa'yo kaya lang baka...baka makita mo sila mamaya sa bar. She called me earlier at sinabing baka nga raw mag-drop by sila ngayong gabi."

Tumango lang siya.

"Are you okay? Puwede naman nating i-postpone ang number natin. Tutal naririyan naman si--"

"I'm okay, Carly. Wala tayong babaguhin sa program ngayong gabi," kaagad niyang putol sa sinasabi ng kaibigan. 

"Are you sure?"

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon