Rainy Days and Sympathy

33.8K 1.1K 22
                                    

Chapter Seven

PIGIL na pigil ni Belinda ang emosyon nang diinan ang buzzer sa front door ng bahay ni Terrence. May ilang sandali siyang naghintay ngunit walang sumasagot. Ang problema ay baka nakatulog ito pagkatapos kumain.

Ugh. Why am I such a ditz?

Inulit niya ang pag-buzzer. Wala siyang pakialam kung natutulog man ito o naliligo. Kailangan niyang makuha ang kanyang cellphone upang matawagan si Carlotta.

"Terrence, it's me. I forgot my cellphone."

Wala pa rin.

Gusto na niyang maiyak sa inis. Basa na siya dahil nagsisimula na namang lumakas ang ulan.

Darn it!

Saglit pa at biglang bumukas ang pinto. Kaagad siyang pumasok. Ang balak niya ay dumiretso ng kusina upang kunin ang naiwang gamit at pagkatapos ay aalis din siya kaagad. Ngunit naudlot siya sa paglalakad nang makita si Terrence na nakaupo sa sahig habang sapu-sapo ang dibdib. Again, his nose was bleeding at parang nahihirapan itong huminga.

"Oh, God. Are you okay?" parang inilipad ang lahat ng inis at frustrations ni Belinda. 

Kumuha siya ng bimpo at kaagad iyong binasa sa lababo bago ibinigay rito. "Can you walk? You need to lie down, itatawag kita ng doctor."

"No, no doctor. It...w-will pass."

"Pero, Terrence delikado ang lagay mo."

"Just take your damn phone and leave, jeez! I'm going to be all right."

"Fine!" inis niyang tugon. 

Iniwan na niya ito at pumunta siya ng kusina. Kaagad naman niyang nakita ang cellphone. Pagkakuha ay tuloy-tuloy na sana siya sa pinto. Balak niya na talagang umalis. Pero napakaingay ng kanyang kunsensya, ayaw siyang patahimikin.

Hinubad niya ang suot na stilettos at ibinaba ang bag sa sofa bago nilapitan si Terrence.

"I already told you..." mahinang umpisa nito.

"I know, I know. Pero basang-basa ako, kailangan ko uling magpatila ng ulan," iyon na lamang ang naikatwiran niya. Siguro naman ay hindi siya nito ipagtatabuyan ganoong umuulan na naman sa labas.

Hindi na ito komontra nang alalayan niyang tumayo at igiya pabalik sa kuwarto.

"Hindi ka pa ba uminom ng gamot?"

"I already took some," mahinang sagot nito.

Inalalayan niya ito pahiga sa kama. At dahil basa siya nang madikit dito, basa na rin ang damit ni Terrence nang maihiga niya.

"Wait here. Ikukuha kita ng bagong damit," binuksan niya ang closet nito at naglabas ng dalawang kamiseta, tig-isa sila.

"You're soaking wet," puna ni Terrence nang tulungan niya itong magpalit ng damit.

"You noticed?" sarkastiko niyang sagot dito. Napansin niyang hindi ito komportable kapag nagpapakita siya ng awa o concern. "Umuulan kasi sa labas."

"You should run yourself a warm bath. I'm okay, you can leave me here. I'll just sleep it off."

"Okay," the idea of a warm bath was very appealing.

Iniwan na niya si Terrence at nagtungo sa banyo. Habang pinupuno ng maligamgam na tubig ang bath tub ay isinalang niya sa washing machine ang kanyang mga hinubad. Hindi siya sigurado kung kelan siya puwedeng umalis doon. Pero isa lang ang tiyak niya, hindi pa niya puwedeng iwanan si Terrence sa kasalukuyang kondisyon nito.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon