Breakfast in Bed

28.3K 823 5
                                    

A/N:

Batang-isip, saradong-isip PLEASE KEEP OFF THE GRASS. Este, bawal po ito sa mga minors at doon sa mga medyo konserbatibong readers. Huwag ng basahin. This story is intended for mature genre. I repeat, MATURE GENRE.

Yours truly^^

'

Chapter Twenty Seven

NAPANSIN ni Belinda ang ilang ulit na pag-ilaw ng kanyang cellphone kaya natiyak niyang may tawag siya. Naka-silent mode kasi ito dahil ayaw niyang maistorbo ang tulog. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang nahihimbing na si Terrence sa tabi niya. Ngunit kahit gaano siya kaingat sa pagkilos ay naalimpungatan pa rin ito.

"Where are you going?" inaantok pang tanong nito.

"May tawag ako, I think it's Carly."

"What time is it?"

"It's already morning. Maliwanag na sa labas. Pero kung gusto mo pang matulog ay lalabas na muna ako para sagutin ang tawag niya."

"No, stay. Dito mo na sagutin."

Nang ipulupot nito ang isang braso sa beywang niya ay wala na nga siyang nagawa kundi ang abutin ang cellphone at sagutin iyon.

"Hello."

"Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

"Hindi naman. Babangon na rin  talaga ako para maghanda ng breakfast."

"Is Terrence there with you?"

Marahil ay nahulaan ni Terrence na nabanggit ito ni Carly, nagsimulang maglimayon ang isang kamay nito sa kanyang katawan. Pareho silang hubo't hubad sa ilalim ng comforter. After spending a steamy evening last night ay hindi na nila nakuhang magbihis. Tinampal niya ang kamay nito.

"Y-yes. Bakit? May sasabihin ka ba sa kanya?" pinandilatan niya ng mga mata si Terrence nang kubkubin nito ng isang palad ang kanang dibdib niya. She mouthed stop it ngunit ngumisi lang ito.

"Wala naman. Gusto ko lang ipaalam na nagkausap na kami ni Janine, she wants to talk to you para tapusin na ang gulong inumpisahan niya. Wala na siyang intensyong bawiin si Yanna, if anything gusto niyang isaayos ang legalidad ng adoption papers ng bata."

"Oh, thank goodness. H-how about Mitch?"

"Ginamit niya lang ang ex niya para ma-threaten ka. Walang ideya si Mitch tungkol kay Yanna. Sa pagkakakilala ko rin naman sa lalaking 'yon, duda akong magkaka-interes siyang alamin kung itinuloy ni Janine ang ipinagbubuntis niya noon. Ang importante lang naman sa lalaking 'yon ay pera para may maipang-bisyo siya."

Sa narinig ay medyo na-relieved si Belinda.

"Sinabi niya ba kung kelan at saan kami magkikita?"

"On neutral ground, this coming Sunday at Hermano's Ristorante." 

"That's two days from now."

"Yep. Kaya sulitin mo na ang bakasyon niyo ni Yanna. Magtampisaw ka na rin nang husto sa piling ng iyong aliw at ligaya."

"Baliw!"

"Ipapuputol ko ang daliri ko kung hindi totoo."

"Oo na. Ikaw na ang papalit kay Nostradamus."

"Yeah, right. Some fortune teller that I am," malamyang tugon nito.

May nahimigan siyang lungkot sa tinig ng matalik na kaibigan, subalit bago pa siya makapagtanong kung may problema ito ay tinapos na nito ang pag-uusap nila. 

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now