Kabanata 3

1.8M 57.4K 44.6K
                                    

Kabanata 3

Why So Heartless

"Anong nangyari doon sa date niyo ni Noah, Coreen?" Tanong ni Reina habang pinapanood si Miguel na humahakbang sa corridor.

"Wala." Sabi ko at tinitigan siya.

Ang lagkit talagang makatitig nito sa mga crush niya. Bukas, iba na naman yung crush niya panigurado.

"Balita ko si Rozen daw yung naging date mo?" Tanong niya.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa autograph niya.

"Hindi. Umuwi ako." Sabi ko.

"Oo. Pero dahil yun may ka date na pala si Noah diba? Kaya ka sinalo ni Kuya Rozen?" Ani Reina.

Talagang ganoon yung dahilan? Sinalo ako ni Rozen kasi may date na pala si Noah?

Napatingin ako sa kabilang corridor. Malayo pa lang ay nakita ko na agad si Noah. Pinapalibutan na naman siya nina Stan, Warren at Joey. May nakasabit na gitara sa likod niya at nagtatawanan silang apat. Nakita ko ang mga babaeng mainit ang tingin sa kanila.

Mahigpit kong tinikom ang bibig ko para pigilan ang sarili ko.

Simula noong prom ay naisipan ko ng magconfess kay Noah. Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa. Buong akala ko ay siya yung nagyaya sakin, kaya noong nalaman kong hindi, naisipan kong tama na itong pagpapantasya ko sa kanya sa malayo. Kailangan ko na siyang lapitan. Kailangan ko ng ipaalam sa kanya na mahal ko siya.

Padarag kong sinarado ang autograph ni Reina at agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Coreen?" Pabiglang sabi ni Reina.

"Sandali lang, Reina." Sabi ko sabay lakad papunta sa banda ni Noah.

Nag second look pa siya sakin nang nakitang paparating ako. Nakita kong unti-unting napawi ang ngisi niya nang mas lalo akong lumapit sa kanya.

Natigilan sila nang humarang ako sa dinadaanan nila. Hinugot ko ang buong lakas ko sa puso ko. Ang tagal ko ng hinintay ito kaya gagawin ko na ngayon.

"Noah, pwede ba kitang makausap."

Kumunot ang noo niya at napatingin sa mga kabanda.

"Sige, ano yun?" Tanong niya.

Napatingin ako kina Warren na nag eexpect na may sasabihin ako sa harapan nila.

"Pwede bang tayong dalawa lang?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Noah at tinignan sina Warren. Pumihit ako at dumiretso sa locker room. Walang tao doon, kaya doon ko napiling dalhin si Noah para makapag usap kami.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon