STBE - Twenty Six

532 4 0
                                    

CHAPTER 26

"Sam!"-nilayo ko yung phone sa tainga ko saglit tapos binalik ulit-"Bakit hindi ka sumabay kay James?" ok, kausap ko si mommy ngayon at nalaman nyang hindi ako sumabay.  

"Eh ayoko nga po."-lumabas ako ng kwarto-"a-" nagkatinginan kami. May kausap rin pala tong si James sa phone. Iniwas ko na lang tingin ko't pumasok ulit ako sa kwarto.  

"Ano?"  

"Ahh. Eeh! Bakit kailangan ko pang sumabay sa kanya? Pwede naman ako magcommute ah!"  

"Yun ang sabi ng lola nya. Kaya wag ka ng umangal pa." si lola? Si lola na naman ang dahilan? Huminga ako ng malalim. Si lola talaga! Nakoo.  

"Sige na! Fine!"  

"Siguraduhin mo yan! Sumabay ka talaga dapat. Dahil kung hindi... madidisapoint yun. Baka malaman nyang hindi sumasabay." Anong ibig sabihin nito? May magsspy sa amin?!  

"Sige na. magpahinga ka na. good night."  

"'kay. Good night." Matamlay kong sagot. So, kailangan mag-usap kami ni James ngayon. Magkaliwanagan na.  

Lumabas ako ng kwaro ko't kinatok ang pinto nya. Ito na naman. Bingi ata tong tao na toh? Kinatok ko ng kinatok.  

"Huy!"  

"Ay pusa!" napatalon ako sa gulat. Nakahawak ako sa dibdib ko.  

"Ba't ka ba nanggugulat?!" pangalawang beses na toh. Hindi nya ako sinagot. Imbes dinaanan lang nya ako't pumasok sa kwarto nya. Binagsak na naman nya ang pinto.  

Napanganga ako.  

"Ano na naman problema mo?" bulong ko. Kinatok ko sya. Wala talaga.  

Ok, nauubos na naman pasensya ko. Papasukin na kita. Binuksan ko agad ang pinto nya. Sa pagbukas ko, may tumama sa pinto. may narinig rin akong tunog na parang natumba. Tumingin ako sa floor.

Oh my gad!  

"James!" nilapitan ko sya't lumuhod sa harap nya.  

"Uy, Sorry! Di ko talaga sinasadya! Sorry!" sabi kong hinahawakan yung noo nya habang nakahawak rin sya dun. Natamaan ko ata sya nung binuksan ko agad ang pinto.  

"Sorry talaga!" worried ang boses ko. Eh kasi naman! Nagkabukol na nga sya sa dati nung nagkauntugan kami tapos ngayon rin? Tsk. Kawawa talaga.  

"Ano ba naman kasi!" sinigawan nya ako. Sinigawan! Nanlilisik mga mata ko nun. Kailangan pa talagang sumigaw.  

"Ba't ka ba sumisigaw?"-tumayo ako-"Nagsorry na nga ako eh!"  

"May magagawa ba yang sorry mo!" uhh, ok? Parang narinig ko na ata yang line na yan.  

Pilit kong inaalala.  

*FLASHBACK*  

(Sa cafeteria)  

"Sorry. Di ko sinasadya. Sorry talaga."  

"May magagawa ba yang sorry mo?!"  

*END*  

Tama! Nung nasa cafeteria kami. Ba't ko ba inalala?! Lalo na naman akong naiirita.  

"Sir! Anong nangyari?" pumasok sa eksena sila manang. Nakahawak pa rin si James sa noo nya na hinihimas ito sabay turo sa akin. Nilingon ako ni manang Del.  

"Anong nangyari, Sam?"  

"Natamaan po sya ng pinto." sabi ko. Tapos tumalikod na ako para pumasok na sa kwarto.  

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon