STBE - Thirty Three

390 6 0
                                    

CHAPTER 33

“Tara na!” Tumakbo kami. Ang lakas ng buhos ng ulan. Basang-basa na kaming dalawa agad. Lahat na rin ng mga tao, nagsisipagtakbuhan. Pambihirang ulan naman toh oh? Kanina lang eh maaraw.

Nagstop kami sa isang shed ni Drei. Pagkatapos, tumakbo na naman kami ulit papalabas na. nung nakarating na kami sa parking lot, agad-agad nyang binuksan ang pinto ng kotse at pinapasok ako sa loob. Sumunod na rin sya.

BRRRR. Ang lamig. Nanginginig na ako.

“Gamitin mo muna toh.” Kinoveran nya ako ng jacket ulit na pinahiram nya rin sa akin kagabi. (naiwan dito ang jacket)

“P-p-paano ka?” nanginginig kong tanong.

“Ayos lang.”

“Pero-“

“Sige lang.” tapos ay kumuha sya ng towel na nasa backseat. May reserba siguro sya. Pinunasan nya ang ulo nya. Basang-basa na talaga sya. 

Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa ulan.

At muling bumalik itong pangyayari sa isipan ko.

*FLASHBACK*

Nakahiga kaming dalawa sa damuhan. Nakatitig sa langit.

“Kung sakaling mawala ako… wag mong kakalimutan na pag-umulan, nagtatampo ako sa’yo.” Sabi nya sa akin.

“Ano bang pinagsasasabi mo? Wag ka nga magsalita ng ganyan.” Naiirita kong sagot sa kanya.

“Kapag nangyari ang araw na yun… ibig sabihin, nakalimutan mo na ako’t may mahal ka ng iba.”

“Hay nako. Ang korni mo talaga. Isip bata!” Sinapak ko sya. Pero ang seryoso pa rin ng mukha nya.

“Pero ayos lang sa akin yun. Basta yung taong mahal mo ay mapapasaya ka. Wag mong isarado  puso mo ha.”

*END*

Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang ulan… nangungusap.

Ano? Nagtatampo ka ba ngayon? Iniisip mo bang nakalimutan na kita’t may mahal na akong iba? Wag kang mag-alala, hindi pa kita nakalimutan. wala pa akong ibang mahal.

Hinigpitan ko lalo ang rose na hawak ko habang nakatitig pa rin sa kawalan.

Ang dami ng miss calls sa akin ni mommy. Hindi ko sinagot kasi alam kong sesermonan na naman ako. at hindi pwedeng marinig ni Drei. Kaya naman, siguro sa inis ni mommy, Nagtext na lang sya.

“Samantha! Nasaan ka na ba? Ba’t ang tagal-tagal mo?” 

“Sorry po. And2 po aq s mall. Malakas po msyado ang ulan knina.” Kailangan sa mall ang sasabihin ko dahil yun rin ang sinabi ko kay Viv.

“Ano? Nasa mall ka pa rin hanggang ngayon? Ilang oras na? tatlo? Apat? Ano bang pinaggagagawa mo?”

“Sorry na, Ma. Ngenjoy lng po aq s pgsshopping at pghhnap ng gift ky ate kya hnd q n nmalayan ang oras. Paalis nrn po aq. ”

“Ewan ko sa’yo! Ipasusundo na lang kita kay manong ngayon din o di kaya naman kay James!” ano? Kay James! Wag na! si manong na lang.

“Ma! Ky manong nlng po.”

“Bahala na. basta maghanda ka na.” tst.

“Drei, pwede mo ba akong mahatid sa mall?”

“Ha? bakit sa mall?”

“Kasi… tinext ko si manong na sunduin nya ako dun.”

“Ahh. Ganun ba. Sige.”

Pagkatapos nun ay tumingin ako sa malayo. Kung hindi sana umulan, hindi ako ganito ka-late na pupunta sa bahay. Dahil nga sa malakas ang ulan kanina, sinabi ko kay Drei na wag na kaming magbyahe. Hintayin na lang na humupa. Kasi nakakatakot kapag ganito. Kaya ito. Ngayon-ngayon lang kami nakaalis ni Drei.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon