STBE - Fifty One

527 8 1
                                    

CHAPTER 51

Unang nilinis namin ang mga glass walls. inuna namin ang sa baba. tapos sa taas naman. sunod ang hagdan. sya ang naglalampaso. ako ang nagpupunas ng railings. next ang living room. sya ang nagvavacuum ako ang nagpupunas ng mga furnitures. pansin nyo, nasa kanya ang lahat ng mabibigat na gawain? at nasa akin ang madali. hahaha! nagrereklamo pa nga sya na bakit daw nasa kanya ang mabibigat. sabi ko naman tumigil na sya’t maglinis na lang. ayun. di na sya nagsalita. basta ako ang boss. inuutusan ko sya kung ano ang dapat nyang linisin. after ng living room, sa kitchen naman kasama na ang dining room. ako naman ang naglampaso. at sya ang nag-ayos at nagpunas-punas ng mga utensils. then, ang cr. sya ang naglinis ng inidoro. at ako nagpunas-punas ng mga cabinet. hahaha! see? ang pinakalast na nilinis namin sa loob ng bahay ay ang small living room namin sa taas. pagkatapos sa loob, sa labas naman. nilinis namin ang backyard(garden). ang dami na palang mga tuyong dahon dito! ang mga halaman ay… so far, mga healthy pa rin. minsan kasi dinidiligan ko ang mga toh. si James ang nagwalis ng mga tuyong dahon. at ako ang nagdilig gamit ang hose. hindi ko sinasadyang mabasa si James sa likod nya. tiningnan nya ako ng masama.

“Ooopss! pasensya po!” nakangisi ako sa kanya. nilapitan nya ako ng nanggigil ang mukha. sumalok sya ng tubig sa mga kamay nya’t inisplash sa mukha ko. napanganga ako sa ginawa nya. inismirkan nya ako. sabay walk-out dala-dala ang mga winalis nyang dahon. basang-basa ang mukha ko! aish! whatever na nga lang! wag mo na syang patulan, Sam. baka mag-away na naman kayo.

maganda na ang backyard ulit. ang linis linis na. green na green. walang makikitang kahit anong kalat. ok, last na ang pool. pumunta kami dun. hmm. malinis naman ang tubig. yun nga lang madumi-dumi ang tiles. iniscrub namin yun ng sabon. and then… tada! tapos na kami! kumikintab na ang buong bahay! pawis na pawis kaming dalawa. sobrang napagod ako. ang sakit ng balakang ko, likod, kamay, leeg. as in lahat masakit! umupo si James sa recliner na may shade. tapos uminom sya ng tubig sa bote. ako naman, umupo sa tabing recliner rin. lumupaypay ako. ang buhok ko eh natanggal na sa pagkakatali.

“Ikaw, kabayo.” kinausap ako ni James habang umiinom ng tubig.

“Haaa?” sabi kong hinang-hina. walang gana ang boses.

“Bakit katabi kitang matulog kanina ha?” abat! mabilis akong bumangon para umupo.

“Excuse me?”

“Tch! kunwari pang walang alam.” inirapan nya ako’t uminom ulit ng tubig.

“Ano?! ako pang tinanong mo kung bakit kita katabi?”-tinuro ko sarili ko-“hello? sino kayang ayaw akong paalisin kagabi?” inirapan ko rin sya. loko-loko! ako pang tinanong?

“Ya!”-hinarap nya ako-“sinasabi mo bang ako ang nagpatabi sa’yo kagabi?” huh? ba’t ganun? parang wala syang alam. tiningnan ko sya ng takang-taka.

“Hindi mo… alam?” tanong ko ng marahan. nakakunot pa rin ang noo nya. binagsak ko ang sarili ko sa recliner. tumitig ako sa langit. wala syang ALAM? akala ko ba… hay nako! baka naman nanaginip toh si James kagabi. oh my. teka nga… matanong nga ulit.

“Hindi mo ba alam na… sinandal mo ang ulo mo sa balikat ko kagabi? at nung inalis ko, hinawakan mo ang kamay ko’t pinigilan? sabi mo wag kasi masakit ang leeg mo.” naging blanko ang itsura nya. hala! don’t tell me…

“Imposible. ba’t ko gagawin yun?” nagkamot sya ng ulo nya. at parang namumula sya. tinawanan ko sya.

“Hahaha! nagbblush ka!”-dinuro-duro ko sya. nilayo nya yun.-“nanaginip ka siguro kagabi noh?”

“…” baka nga nananaginip sya. eh di hindi nya narinig ang sinabi ko kagabi. haaay. akala ko pa naman narinig nya. kaya sya siguro nagluto kanina dahil sa tulog pa ako. ok.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon