STBE - Fifty

517 8 1
                                    

[A/N]: Hi fans and readers! Ito na po ang 50th part ng B.D.A.L. At ngayong Christmas break na, updated na ko sa story na to! Kaya sana subaybayan at suportahan nyo po. Thanks! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 50

Bago ang after 2 years na yun… ngumingiti pa siguro si James. after 2 years, nawala ang ngiti nya. bakit kaya? naiisip ko kasi… hindi kaya may nangyaring masalimuot sa kanya? dahil… bakit maglalasing ang isang tao o mawawawalan ng ganang kumain kung walang nangyaring masalimuot dito diba? ganun naman talaga ang gawain kapag may dinadala tayong pasakit. gumagawa tayo ng mga bagay para kalimutan ang pasakit na yun. kung totoo man ang hinala ko na toh, naaawa ako kay James. kaawa-awa. nabubuhay syang may pasakit na dinadala. parehas lang pala kami. gusto ko syang tulungan para sa sarili nya at para na rin kila lola. kaso… papaano? saan ba talaga ako magsisimula? ang sinabi ko dati na babaguhin ko lahat sa kanya, may ginagawa ba ako? tst. wala.

umayos ako ng tayo. clinap ko ang dalawa kong kamay sa bibig ko’t tinitigan ulit ang picture nyang nakangiti. tapos napansin kong nakabukas ng bahagya ang drawer na pinapatungan lang  ng picture nya. kumunot ang noo ko. masyadong makati ang kamay ko kaya hinila ko yun para makita ang loob. yung box… yung box na binigay ni Jason kay James sa party. kinuha ko yun at binuksan. lumantad sa akin ang isang bracelet. kulay silver ito. at pa-letter C ang chains. crescent moon ata. sa gitna ay Letter E na pendant. lalong lumalim ang pagkakunot ng noo ko.

“Le-letter E?” may naalala ako. nakita ko ang letter E na toh sa painting ni so4. s-si… James si so4?

“Ah. hindi. hindi.” sabi kong shinake ang ulo ko para mawala ang ideya na yun. sinara ko na ang box at itinago ulit sa loob ng drawer. nakuha naman ng isang black pad ang atensyon ko. nasa ibaba yun ng box. di ko mapigilan ang sarili ko na kunin yun at tingnan. ito na… nasa mga kamay ko na. titingnan ko ba o hindi? nagtatalo ang utak ko. sinasabing “buksan mo” dahil sa curious talaga ako. “wag mo buksan” dahil hindi mo yan gamit. wag kang mangialam.

Nanalo ang curiosity ko. itinaas ko ang cover ng pad. parang napatigil ako sa paghinga nung nakita ko na. isang sketch pad pala toh. pinagmasdan ko ng maigi ang drawing. isang babae. namumukhaan ko sya. sya… sya yung babaeng nakita ko sa drawing ni so4. kulot ang buhok. nakasalumbaba sya. at… nakasuot sa wrist nya ang bracelet. ang bracelet na nakita ko kanina lang. ang ibinigay ni Jason kay James. suot-suot ng babae! close-up ito kaya kitang-kita ko talaga. dali-dali akong tumingin sa baba ng drawing para makita kung sino ang gumuhit… napalunok ako ng malalim. lumakas ang kalabog ng dibdib ko. O_O

“James.”

“Aish!” nabitawan ko ang pad sa sobrang gulat. humarap ako sa likod ko. napaatras ako. akala ko ba wala sya? unang dumako ang tingin ko sa mukha nyang galit tapos sa buhok nyang basa. nasa CR pala sya?

“Bakit nandito ka sa kwarto ko?!”-sumisigaw sya-“diba sinabi ko na sa’yo dati walang pwedeng pumasok sa kwarto ko hanggat wala akong sinasabing oo?!”

“Ja-“

“Bakit ba ang hilig mong mangialam ng gamit ng iba?!” papalapit sya sa akin. pumunta naman ako sa likod ng pinto para umiwas. pinulot nya ang pad na nahulog ko kanina. “Hindi ko naman pinakikialaman ang gamit mo, pero ang sa akin bakit pinakikialaman mo ha?!”

“James. sorry. sorry talaga.” pagpapaumanhin kong nakayuko.

“Sorry?! putang ina naman oh!” sabay hampas nya ng pad sa drawer. nanginig ako sa gulat at takot ng boses nya. nahulog ang pad sa sahig. bakit… bakit ganito sya magalit? napakaliit na bagay.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon