STBE - Five

1K 10 1
                                    

CHAPTER 5

Bumaba na kami sa C2 para salubungin namin si Drei. Unti-unti naman ng nagsialisan ang mga tao. Papalapit na kami kay Drei ng...

"Andy! hey! Ang galing-galing mo!" nakipag-apir sya kay Drei. Ngumiti lang si lalaki. It was Melissa kasama ang mga alagad.

"Ano ba yan! Feeling close!" bulong sa akin ni Viv.

"What? Anong sabi mo?" patay. Narinig ata ni Melissa ang sinabi ni Viv.

"Haa-ah wala wala." Winave ni Viv ung kamay nya meaning wala.

"Sabi ko lang, ang ganda ng necklace mo." Lol. Magandang palusot yan Viv.

"Ow. Thanks. Bye." Ang flirt ng boses nya ha. Buti umalis na sila.

"Bye, Andy!" at nagwave sya kay Drei. Nilapitan ko si Drei habang nakatingin pa rin ako kay Melissa. Nung pagharap ko, nagulat ako, napahawak ako bigla sa dibdib nya't inalis ko agad. Muntik ko na kasi syang mabangga. Kaya sa sobrang gulat, napahawak na tuloy ko. Ano ba! Nakakahiya talaga. I felt like I'm blushing. Sa hiya! 

"Ok ka lang?" Napahawak tuloy sya sa balikat ko. Tiningnan ko syang nakatingala, medyo matangkad sya sa akin. I'm 5'6 kasi siguro mga 5'8 naman sya. Tapos yumuko rin ako. Nakakahiya. Ano ba yan! Napahawak pa ako sa dibdib nya. Aishh!

"Oo. Sorry."

"Ok lang."

"Hey, Kuya Andy! ang galing ah." Si Rene nagsabi nun. Bumitaw na si Drei. At tumingin ako kay Rene.

"Hindi naman." Sabay ngiti. Tapos sinagot ni Rene phone nya.

"Sayang nga lang hindi na kayo nakahabol." Panghihinayang ni Viv. You heard her people, sila James ang panalo. Haay, ba't pa sila?

"Ate Viv! Tumawag na si Manong Kai."

"Uwi na?" tumango si Rene.

"Oh paano ba yan, we have to go." Paalam ni Viv.

"Sige, ingat kayo." Sabi ni Drei. Napasmile naman yung dalawa. Ayiiiee! Kilig sila. At tuluyan na nga silang umalis. Ngayon, palabas na kami ni Drei sa gym.

"Andrei!" someone called his name behind our back. Puro na lang Andrei-Andrei! Nakakainis! Lumingon ako para tignan. Si James. Lumapit siya kay Drei kasama ung barkada nya.

"Nice Game. Pero talo pa rin kita." Sabay smirked nya. Nakikinig lang rin barkada nya.

"Alam ko." said Drei seriously. Eye to eye na sila ngayon ni James. Maya-maya biglang hinawakan ni Drei ung right wrist ko't hinatak na ako papalabas ng gym. Tiningnan ko sya but serious ang face then I looked back para tingnan sila James. I saw him looking at me. Wew~

Nandito na kami ni Drei sa bench para kunin ang bag namin. Madami na namang nakatingin pero hinayaan ko lang sila. Inggit siguro dahil may kasama akong gwapo?! 

"Hi Sam!" awww. Binati ako ni Carlo--basketball player namin yan.

"Hello." Sagot ko sa kanya na nakangiti.

"Nice Game, Andrei!" dagdag pa ni Carlo na kumindat. Aw, type nya? Lol. Joke lang. Di bakla yun ah!

"Salamat." Sagot ni Drei.

"Hey, Ate Sam. kamusta?" si Michaela pala na kapwa varsity player ko sa volleyball, sinalubong ako. Yun nga lang she's just a junior.

"Ayos lang. Ikaw?"

"Ok lang po." Sabi nya na nakangiti na nakatingin kay Drei. Tumigil ako sa paglalakad.

"Michaela, si Andrei. Classmate ko. Drei, si Michaela. Kapwa varsity player ko sa volleyball." Pakilala ko. Give chance na lang. ;)

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon