STBE - Thirty Six

457 6 1
                                    

CHAPTER 36

Sinarado ko yun dahil nga sa folded ang phone ko. n76.

“Akin na!” inagawa nya ulit. my god! how careless ko naman! nakita na ni Viv. Buking na naman ako. 

“Naglilihim ka na ngayon Sam ah.” kinamot ko batok kong nakasimangot. Tinitingnan na naman nya yung pic namin.

“Eehh. kasi naman…”

“Kasi ano?” hinarap na nya ako.

“Eh! kapag sinabi ko sa’yo, siguradong pag iisipan mo naman ng iba. tapos pipilitin mo pa akong makipagdate sa kanya.” paliwanag kong mahina ang boses ko. baka may makarinig eh. She sighed.

“O-M-G? ang manhid mo talaga. Eh nagdadate na nga kayo eh!” Ha? 

“Anong date? Hello? Ako makikipagdate?”-tinuro ko sarili ko”-Labas lang naman yun ah! saka wala syang sinasabi na kung pwede magdate kami.” nakacross na arms ko sa dibdib.

“Eh hello?” napalakas ang boses ni Viv. pinagtinginan tuloy kami. Pero back to their own business na rin sila agad. Asar! pati si Drei eh napatingin rin sa amin. Nginitian ko na lang sya. 

“Hinaan mo nga boses mo!” bulong ko sa kanya.

“Whatever. Basta. You’re already dating. Kahit hindi nya sinabi na date yun. It was a date!” tinakpan ko mukha ko ng dalawang kamay tapos pinadulas ko. Nakakairita kasi.

“Ewan ko sa’yo!” kinuha ko ang book sa Physics at binasa ito. kunwari lang. Ang nasa utak ko eh ung sinabi nyang ng nagddate na nga kami ni Drei. Nagddate nga ba? 

“Ewan ko rin sa’yo! Manhid ka talaga... Duwag pa.” sabay lapag nya ng phone sa table ko. Kinuha ko yun at tinago sa bag ko ulit. Duwag. Duwag. Duwag. patuloy na nage-echo ang sinabi ni Viv sa tainga ko. Ako? Duwag?

“Oo. duwag ka.”-tiningnan ko sya-“palibhasa, hindi makalimot.” Lumunok ako ng malalim. Kumakalabog ata dibdib ko. Alam na alam nya ang sinasabi ng utak ko. Tsk.

Inalis na ni Viv ang tingin nya sa akin. Napatingin naman ako kay Drei ulit. May binabasa sya. Tinitigan ko lang sya nun. ewan ko. Basta tinititigan ko sya. Honestly, ang gwapo nya sa uniform. Tumigil lang ako sa katititig sa kanya nung nagring na ang bell. Magsisimula na ang klase. 

“Ms. Ngo, Ms. Lopez. Ayoko sanang sabihin ito dahil wala ito sa bokabularyo ko pero… humihingi ako ng dispensa sa hindi pagkinig sa mga paliwanag nyo.” aww. ayan. Si ma’am Reyes na mismo nagsorry sa amin. Yipee!

“Ayos lang po yun, ma’am. At least, nakatulong kami sa paglilinis ng school.” sabi ni Viv. Wushhooo! Eh nung naglilinis tayo, iritang-irita ka. 

Ngumiti si ma’am nun at nilapitan si ayun… pamangkin nya na nakaupo sa sofa’t nakayuko. kasama sila Jessa at Cyrinne.

“Itong si Melissa kasi!” tinaas ni ma’am kamay nya na umastang babatukan si Melissa. Umiwas naman sya. Pumaywang si ma’am.

“Hay nako! Wag nyo ng uulitin toh ha?! Naiintindihan nyo ba?!” 

“Opo.” sabay na sagot nilang tumatango-tango. si Melissa lang ang hindi sumagot. 

“Ikaw Melissa! Naiintindihan mo ba?!” lalong tumaas ang boses ni ma’am. Walang sinagot ang pamangkin nya. Umiling-iling si ma’am na sabay hinga ng malalim.

“Humingi kayo ng tawad kila Ms. Ngo’t Ms. Lopez.” shocks? Exciting toh. Kinurot ako ni Viv sa kamay ko. hindi naman masakit. Naeexcite siguro sya.

“Sorry sa inyong dalawa! Sorry!” OMG? humingi ng sorry yung dalawa sa amin. Well, yung dalawa ha? except si Melissa. ang tigas ng ulo.

“Oo nga. Sorry.” sabi ni Cyrinne.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon