STBE - Six

1K 15 0
                                    

CHAPTER 6

"Yeah right." Sabi ni James na may hawak-hawak na folders. tapos tinalikuran na ako't pumunta ng cashier para magbayad. Ako naman hinayaan ko lang. at nagpatuloy sa paghahanap ng white folder ko. at ito nga ngayon, nakahanap na ako. Pumunta na ako sa cashier. katatapos lang nya na magbayad. Pagtapos nya ay sumunod ako. P35 yung white folder.

Habang naglalakad I noticed nasa likod lang pala ako ni James. Tapos nasa harap ko naman sya. Nung paliko na ako para sa gate ng condo, walang tao, tumigil sya sa paglalakad. pati ako napatigil din.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong nya na may tonong inis. Napatas kilay naman ako.

"Are you talking to me?" tanong ko naman na nagtataka.

"Sino pa nga ba?" aba! Feeler sya ah. I'm not following him. Malay ko ba kung saan sya pupunta.

"Ano? Syempre, hindi. Ba't naman kita susundan?"

"I'll guess, crush mo siguro ako." Tapos lumingon na sya sakin na nakasmirk. Ako naman napanganga. No way!

"Wow! Ang hangin ah. Makaalis na nga't baka abutin pa ako ng bagyo dito!" sarcastic pagkasabi ko. Dinaanan ko sya na binangga ko sa braso. tuloy-tuloy akong naglakad hanggang makaabot na ako sa gate ng condo. Nakaasar. Mayabang.

Pagpasok ko sa door ko, I slammed it. I inhaled and exhaled. Haaayyy nako. Ano ba ito?!

(8:10pm sa terrace)

"On Saturday?!" pasigaw kong sagot.

"Yes, anak." Sagot ni mommy

"Ayoko!" Until now, I reject everything na sinasabi ni mommy sa akin about this engagement. Nagbabakasakaling, mag-iba na ang desisyon nila. although, half of me agrees na ok lang. hindi dahil gusto ko kundi dahil wala akong choice kundi gawin.

"Please Sam!" tapos sabay binababaan ko na.

"Arghhhh! Napakaunfair talaga!!" napaupo ako sa sahig. Tumingin ako sa right side ko. sa gulat napasigaw ako.

"Ikaw na naman?!" sabi ko sa kanya. What the--? Sya na naman?!

"Obvious ba?" kinuha nya ung 7up nya't uminom.

"Anong ginagawa mo dito?" tumayo ako.

"Can't you see, kumakain ako." Umirap ako. Pumaywang.

"Wag ka nga."

"I live here. Happy?" napanganga ako. Sya? Nakatira dito?

"Baka pasukan ng langaw yang bibig mo." Pang-asar nya sa akin. I curled my lips.

"Whatever." Sagot ko. sabay irap.

"Eh, ikaw? Ba't nandito ka?"

"Obvious ba? Nakatira rin ako dito." Hindi na sya sumagot. Tatalikod na sana ako ng naalala kong may itatanong ako sa kanya.

"Hoy, ikaw! Narinig mo ba yung sinasabi ko sa phone kanina?" sinigawan ko na naman sya.

"All of it."

"What?! Chismoso ka ba?"

"Hindi. Kasalanan ko ba?" diretso na tingin nya nakacross ung arms sya sa dibdib nya.

"Eh di sana pumasok ka na lang ulit." Hindi na sya nagsalita. Defeat?

"Ganyan ka ba talaga?" tanong ko. this time, straight na tingin ko.

"Na ano?"

"Making people hate you."

"Anong magagawa ko? ganito ako."

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon