Chapter 35

11K 293 10
                                    

Aryanna POV

"Oh. Heto na ang pinya mo."

Tulala lang akong nakatingin sa TV. Kanina pa ako nakatitig sa palabas pero wala naman doon ang utak ko.

Tinampal ni Carson ang braso ko. "Ate. Lumilipad na naman ang isip mo."

Tinapunan ko siya ng tingin sabay kuha ng plato na may pinya sa kamay niya. Pinapak ko iyon na parang patay gutom. Hindi ko pinansin ang maasim na tingin ni Carson sakin.

"Nabalatan ko na yong dalawang pinyang binila ni Glory kaninang umaga. Puro ungot ka ng ungot ng pinya. Wala ng pinya diyan. Huli na yan. Umamin ka nga naglilihi ka ba? Baka naman buntis ka Ate."

Padabog kong nilapag ang walang lamang plato sa table at pinukol siya ng matalas na tingin.

"Kumakain lang ng pinya. Naglilihi na agad! Tigilan mo nga ako Carson diyan sa buntis buntis na yan. Mainit ang ulo ko ngayon sa salitang yan. Kaya pwede ba huwag mo ng dagdagan pa. Natatakam lang ako sa pinya dahil malapit na akong magmens. Yon lang!"

P*tang ina! Kasinungalingan lang na malapit na akong magmens. Sh*t eh! Dalawang linggo na nga akong hindi dinadatnan.

Letse! Huwag naman sanang magkatotoo ang konklusyon ni Carson. Dahil hindi pwede. Hindi ito pwede ngayon.

"Hayaan mo. Papabili ako kay Glory ulit mamaya, baka sakaling mapadaan siya sa supermarket."

Wala sa sariling tumango lang ako. Gusto ko sana ulit pagsabihan si Carson tungkol sa pagpapatira niya kay Glory dito sa Condo niya.

Hindi ako sang ayon na nagli-live in na sila sa edad na bente uno. Mga bata pa sila masyado. Hindi nila pwedeng idahilan sakin na may trabaho na sila, dahil wala akong pakialam doon.

Masyado ng madami ang iniisip ko ngayon kaya iniiwasan kong idagdag pa sila.

"Tumawag si Kuya Kris kanina, pinapasabi na natulog na naman daw si Kuya Theon sa labas ng Condo Unit niya kakahintay sayo. Kailan mo ba kakausapin ang asawa mo?"

Hindi ko siya sinagot.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na tatlong araw ng natutulog si Theon sa labas ng pintuan ni Kris gabi gabi, kakahintay daw sakin. Akala naman niya, doon pa ako nakatira.

P*tang ina! Tatlong araw mula ng mag usap kami sa parking lot ay dito na ako nagtungo sa kapatid ko. Sinabihan ko na lang si Kris na huwag niya akong ilalaglag kay Theon. Bahala siyang maghintay doon. P*nyeta siya! Sinungaling!

"Dadalo ka ba bukas sa anniversary ng hotel nila Kuya Theon?"

Umiling ako. Tinutok ko ang atensyon sa hindi ko maintindihang palabas. Lumilipad pa rin kasi ang utak ko sa pangyayari sa labas ng restaurant na yon.

Nakakadismaya si Theon. Napakataas pa man din ng pagkakakilala ko sa kanya. Pero hindi ko akalain na magagawa niya ito sa akin. Pinagsisisihan ko tuloy na nahulog ako sa kanya.

Wala akong pakialam kung nabuntis niya si Angelica noong panahon na hindi pa kami magkakilala.

Ang kaalamang may anak siya sa ibang babae ay para niya na din akong pinatay. Wala din akong pakialam kung kalalaman niya lang iyon ngayon.

Ang katotohanang nagsinungaling siya sakin, para lang idahilan na may business meeting siya sa tuwing yayayain ko siyang mag-lunch ay gawain na ng isang manlolokong lalaki.

Grabe 'to. Mas mainam pa sigurong inamin niya na may nangyari sa kanila ni Angelica noon pero ang malamang may anak pa sila.

T*ng ina! Masakit 'yon. Dinurog nila ang puso ko. Umasa ako eh, umasa ako na okay na lahat sa pagitan namin ni Theon. Pero wala eh.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now