Chapter 34

9.9K 274 14
                                    

Aryanna POV

HUMINGA ako ng malalim kahit nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. Nanginginig ang mga paa kong pumasok sa nasabing restaurant na binaggit ni Darren sakin.

Namamanhid man ang mga kamay ko'y pinilit kong tanawin si Theon. 

Gusto kong masiguro kung nandito talaga siya. Gusto kong ipamukha kina Darren at Kris na ibang tao ang nakita nila.

Dahil alam kung kahit kailan ay hindi magsisinungaling sa akin si Theon.

Naglakad ako. Pinasadahan ko ng tingin bawat lamesa. Kumalma ang hininga ko ng makitang wala naman si Theon dito.

Hindi ko na namalayan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko.

Tatalikod na sana ako pabalik sa Condo pero nahagip ng paningin ko si Theon na lumabas ng rest room.

Sinundan ko ng tingin ang lamesang nilapitan niya. Humantong ako sa paglapit sa pwesto nila para makumpirma ko kung sino ang babaeng kanina pa gumugulo sa isipan ko.

Natawa ako ng masiguro iyon. Hindi nga ako nagkamali.
Si Angelica.

Gustuhin ko mang sugurin sila sa lamesa ay nagawa ko pa ring umupo sa isang sulok na hindi nila matatanaw.

Tahimik akong nagmasid sa mga kilos nila. Kaswal lang naman silang nag uusap habang kumakain.

Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng hawakan ni Theon ang mga kamay ni Angelica sa ibabaw ng mesa. Iyon na ang senyales para lapitan ko sila ng tuluyan.

Nanghihina man ang mga tuhod at namamanhid ang katawan ko'y pinilit ko pa rin pakalmahin ang sarili ng makatayo ako sa tabi ng mesa nila.

Ilang sandali ring animo'y tuod lamang akong nakatayo roon habang tinitingnan ang kamay ni Theon na humahaplos sa kamay ni Angelica.

"Arya."

Nginitian ko ng peke si Angelica na parang nawalan ng dugo ang mukha pagkakita sakin, agad niyang tinulak ang mga kamay ni Theon na nakahawak sa palad niya.

Gusto kong magsalita pero parang may bumikig sa lalamunan ko ng tumingin sa gawi ko si Theon na gulat at nanlalaki din ang mga mata.

Agad siyang tumayo sa kinauupuan. Kinagat ko ang mga labi at iwinaksi ang kamay ni Theon ng akma niya akong hahawakan.

"Arya."

Tinulak ko siya ng lumapit siya sakin. "Mag usap tayo sa labas Arya. Huwag dito."

Pinukol ko lang siya ng nakamamatay na tingin bago tumakbo palabas papunta sa parking lot. 

Hindi ko nga alam kung saan ko pa kinuha ang lakas ko para makatakbo kahit nangangatog na ang mga tuhod ko sa nararamdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko.

"Ary-" Sumunod siya sakin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Look Ary-"

Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita.

"STOP THEON!"

Lumapit ako sa kanya. 

"S-sorry."

Hindi siya mapakali habang hinihilamos ang mukha. Walang patumangga kong dinutdot ang dibdib niya at dinuro ko siya sa mukha.

"P*nyeta Theon!"

Nanlupaypay ako. Nanghihina. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Wala akong makapitan kaya't hinawakan ko ang sasakyan sa tabi ko.

"Makinig ka muna sakin Arya."

Pumalag ulit ako ng sinubukan niya akong yakapin.
"PAKIUSAP! HUWAG MO AKONG HAHAWAKAN!"

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now