Special Chapter

20K 617 51
                                    

Theon POV

"Dad! Charlotte punched Caesar twice. She's going to hit me next. Dad. Help me!"

Napasapo ako sa ulo nang marinig ko ang pagsigaw na iyon ni Kier.Pumasok siya sa study room ko na magkasalubong ang kilay at halatang inis na inis sa bunsong kapatid.

"Where is she?"

Tinanggal ko ang suot kong salamin at ipinatong sa ibabaw ng mesa.

"Where is your little sister?" tanong ko ulit.

"She's coming here already. I wanna hit her too, she's so annoying. But, you said that boys should not be rough and hurt girls. Dad, paluin niyo po siya! Somosobra na siya. Kahapon tinulak niya si Caesar ulit sa Pool. He's crying now! I hate Charlotte. I hate her Dad."

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Kumalma ka nga. Nasaan ba ang kapatid mo? Kakausapin ko siya ng maayos. And Kier don't say those things, she's your little sister."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nagpapadyak lang siya at nagmamaktol.

"But she's irritating Dad. Lagi niya akong inaaway. Lagi niya kaming inaasar ni Caesar. Pagalitan niyo po siya please!"

Napailing na lang ako. Si Caesar ay apo ng mayordoma ng bahay namin, siya ang laging kalaro ni Kier mula ng bata pa siya.

"Pagpasensiyahan mo na lang ang kapatid mo. Mas matanda ka sa kanya. 10 years old ka na pero si Charms ay five pa lang."

Oh. Yes I call my daughter Charms. Because she's charming like her Mom.

Pumadyak ulit siya. "That is so unfair!" naiinis na sabi niya sabay walk out.

"She's here Dad." narinig kong sabi ni Kier bago bumaba.

Bumuntong hininga ako at naglakad palabas ng study room. Nakita ko ang bunso ko sa gilid ng pintuan na nakanguso habang yakap yakap ang story book sa dibdib niya. Mukhang narinig niya ang pinag-usapan namin ng Kuya niya.

Lumuhod ako para tapatan ang mukha ng anak kong malungkot na nakatingin sa akin. "Honey, what did you do again with Caesar?"

Pumungay ang mga mata niya na parang naiiyak na. "Papaluin niyo po ba ako Dad?"

Agad akong umiling at hinalikan siya sa noo. "No sweetie. Dad will never hurt you. I made a promise to your Mom that I'll never do that to discipline my kids. I just want to know what did you do this time with your Kuya's?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.

"I just wanna play with them. Pero ayaw po nila. Sabi nila pang-boys lang daw yong laro nila. Binelatan po ako ni Caesar. That's why I punched him. He deserved that Dad, he's always teasing me"

"Pero honey, hindi ka dapat nananakit ng tao. Diba sinabi ko sayo na bad yon? You should always be nice."

"Eh sabi ni Mom kapag may nang asar at nang away sa akin,dapat maldita daw ako. Pakita ko daw na kayang kaya ko sila. Nice lang daw ako kapag nice din sila sa akin."

Napabuga ako ng hangin. Kaya naman pala ganito ang bunso ko, kung ano ano ang tinuturo ng asawa ko.

"Let's make a deal." sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya.

"Kapag nice ka na sa mga Kuya mo, gagawa tayo ng mini library sa kuwarto mo. Pupunuin natin yon ng napakaraming books."

Lumamlam at lumaki ang mga mata niya sa sobrang excitement. "Yes Dad. I'll be a good girl now."

Nakangiting pinisil ko ang ilong niya at ginulo ang maigsi niyang buhok. "Promise?"

Nagtatalon lang ang bunso ko sa tuwa at niyakap ako ng mahigpit. "I promise Dad."

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now