Chapter 4

15.2K 375 5
                                    

Aryanna POV

"Sabi ko na nga ba sabon ka eh kasi I'm SOAPer inlove with you."

Tsk! Initsa ko ang hawak ko na lipstick at tumingin ng masama kay Stephen. Bartender siya dito sa pinagtratrabahoan kong Bar!

"Anak ng! Sinabi ko ng tigilan mo na ko! Ayoko ng marinig ang kahit anong nakakasukang banat mo pa."

At ang hayop. Ngumisi lang siya at sumandal sa likuran ng pintuan. Relax na relax ang gunggong.

Nakakrus pa ang braso nang hinayupak. Pumasok ba naman dito sa CR ng babae. Ang kapal ng mukha ng bayawak na 'to. Sarap i-flush sa inidoro.

Kaya ganyan kapangahas ang bwesit dahil pinsan niya si Kris at Eva, 'yong may ari nitong Bar.

Padabog kong hinablot ulit ang eye liner ko "Kita mo to? Isasaksak ko 'to sa ngala ngala at batok mo pag hindi ka pa lumabas dito. "

Napanganga lang ako sa reaksyon niya. Abat tumawa lang ang p*nyeta, mas lalo tuloy siyang pumangit sa paningin ko.

Wala bang parte ng pagmumukha ng taragis na 'to na gwapo siya. Tingnan mo hindi na siya magkamayaw sa kakatawa.

Diyan sa magaling eh, ang pagtawanan ako. Ang lapastangan. Walang modo. Kapag hindi ako nakapagpigil, babasagin ko talaga ang pagmumukha niya.

"Sige! Humagalpak ka lang sa tawa. Oras na maubos ang pasensya ko sayo. Sisipain ko yang bayag mo para mabaog ka na." sininghalan ko na.

Mukha kasing hindi natitinag sa masasama kong tingin sa kanya . Hayop!

"Huwag naman sweetheart, paano tayo makakabuo kapag ginawa mo 'yun" sabay pout ng mokong.

Pa-cute pa ang sira ulo. Di naman cute. Mukha siyang duck. Ugly duckling!

Naningkit ang mga mata ko. Agad kong tinuro ang pintuan sa likuran niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko siya.
"Kupal! Layas!"

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay pinihit niya na ang seradura.

"Sabay tayo uwi mamaya ah."

Kinindatan pa ako ng balasubas sabay naglakad palabas ng pintuan. Pinigilan kong hindi siya batuin ng sangkatutak na napkin sa bag ko. Langya!

"Arya"

Nakakunot noo ko siyang tiningnan. Nakasilip na ang ulo niya sa pintuan. Todo ngiti pa ang lintik na lalake. Akala ko ba umalis na 'to. Pambihira. Sarap bigwasan ng pagmumukha niya.

"Para kang uling, kasi pinagbaga mo ang umiinit kong damdamin."

Tiningnan ko siya ng masama. Pakiramdam ko puputok na ang mga ugat sa leeg ko at umuusok na ang ilong ko sa sobrang inis. Hindi ko na napigilan ang init ng ulo ko.

Dinampot ko ang mineral bottle sa gilid ng lababo at buong pwersa kong ibinato sa kanya.

"Aray ko!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kaibigan ko na sapo ang ulo. Halos tumalon ako sa pwesto para daluhan siya. Lintek!

" Sorry Mare!" hinging paumanhin ko.

Inakay ko siya papasok sa loob. Nyeta ka Stephen! Malilintikan ka talaga sakin mamaya.

"Saglit lang, hihingi ako ng yelo sa labas. Baka bumukol yan."

Palabas na sana ako ng hinigit niya ang braso ko pabalik
"Hayaan mo na, okay na ako. Ano ba kasing ginagawa niyo dito ni Stephen at nagla-lock kayo?"

Binalik ko ang tingin sa salamin at inumpisahang mag-lagay ng make up sa mukha. Kanina pa sana ako tapos kung hindi lang pumasok dito 'yong  Stephen na 'yon.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now