Chapter 15

12.1K 351 5
                                    

Aryanna POV

Six months later..............


"F*ck Woman! What did you do with my towel?"

Pinagpatuloy ko lang ang pagsesepilyo kahit dumagundong na ang alingawngaw ng sigaw ni Theon dito sa banyo. 

Umagang umaga, makakarinig na naman yata ako ng sermon ng impaktong yan. Dehado na naman ako. Priprituin niya na naman ako ng naglalagablab niyang mga mata.

Letse! Diko nga akalain na nakaya kong mabuhay sa loob ng anim na buwan kasama ang ugok na 'yan dito. Sh*t! Ang hirap pala ng buhay may asawa.

Lalo na kung 'yung asawa mo walang ibang alam gawin kundi bigyan ka araw araw ng pabaon na sermon.

Magkaiba kasi kami ng pananaw ni Theon kaya kadalasan ay nauuwi lagi sa argumento at debate ang usapan namin.

Kung sa direksyon kumbaga ay lagi siyang nasa RIGHT habang ako nasa LEFT. Kaya di kami magka ayos ayos dahil magkaibang daan ang tinatahak namin kung saan doon lagi ang pinagmumulan ng tensyon.

Para kaming mga aso at pusa na laging nagtatalo sa maliliit na bagay.

Pero mabait naman si Theon. Mahaba ang pasensiya niya sakin. Kung magagalit man siya, sisikapin niya iyong sabihin ng mahinahon, hindi pagalit at hindi nang iinis o nanlalait.

Kung may AWARD lang siguro para sa PINAKABUTING ASAWA, kay Theon ko yun igagawad. P*yeta! Magkapareho sila ni Carson na laging nakasunod sa mga gawa gawa nilang batas sa buhay.

Nung malaman ko nga noong nakaraang araw na pupunta ng Davao si Theon ay literal na naglulundag ako sa kama.

Pinagdasal ko nga na sana doon na lang siya habang buhay. Para wala ng pumigil sa mga gusto kong gawin.

Sh*t! Siya ang nagger 'saming dalawa. P*tang ina! Napakabugnutin pa niya minsan! Kung sermonan niya ako eh parang ihuhulog na ako sa impyerno sa dami ng nagawa kong kasalanan.

Ang dami ko ngang kinikimkim na inis sa kanya. Pero wala naman akong karapatan na magreklamo.

Aaminin ko isip bata pa rin ako, nangangapa pa rin ako sa dapat gawin. Siya nga ang abusado sa sitwasyon namin dahil wala siyang ibang ginawa kundi intindihin ang mga kapalpakan ko.

Sinusubukan ko namang ituwid minsan ang mga pagkakamali ko dahil ayokong maging sanhi ng pagkakagulo namin pero wala pa rin. King ina! Nahuhulog pa rin talaga sa pagiging kamalian.

"Arya! Buksan mo nga 'tong pintuan."

Kinalampag niya ang pintuan dahil diko pa yun binubuksan kahit kanina pa siya katok ng katok.

Nagmumog lang ako ng bunganga at hinugasan ang tooth brush ko. Ibinalik ko iyon sa lalagyan, pinunasan ang bibig at binuksan na ang pintuan.

Bumungad sakin ang madilim na mukha ni Theon habang hawak ang towel niyang punong puno ng mantsa dahil iyon ang ginamit ko para punasan ang buhok ko noong nagkulay ako ng buhok kahapon.

P*nyeta! Sinadya ko yun dahil naiinis ako sa kanya! May nakita kasi akong album sa salas, punong puno iyon ng picture nila ng diko makilalang babae. Kakairita! Kahit luma na yun, nabwebwesit pa rin ako.

"WHAT HAPPENED TO THIS TOWEL?" mahinahon pero puno ng diing tanong ni Theon.

Nagpipigil lang yang magalit. Alam ko!

Nilagpasan ko siya at naglakad papunta sa dressing room "Papalitan ko na lang PO."

Narinig ko ang mga yabag niyang tinalunton ang pwesto ko. "I am sick with that line already. Ilang beses mo na ba yang ginamit sakin pag nasisira mo ang mga gamit ko? Arya naman! PLEASE! Grow up!"

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now