Chapter 31

11.4K 326 6
                                    

Aryanna POV

"Ang sakit talaga ng paa ko, parang sinipa ng sampung kabayo."

"Ako nga din eh. Parang hinampas ng tubo." sagot ni Thalia habang minamasahe ang binti.

Nakaupo lang kami sa gilid habang pinapanood ang mga magkakaibigan na naglalaro ng golf dito sa Country Club golf course.

Kaninang umaga pa nga kami nandito. Buti na lang hindi mainit ang panahon.

"Pamasahe tayo bukas. Parang binugbog talag paa ko."

Nag- hiking kasi kami kahapon papunta sa Mt. Ulao. Apat oras din kaming naglakad pataas ng bundok. Nakakapagod. Kaya naman nananakit na ang mga katawan namin.

Pangatlong araw na nga namin dito sa Baguio ngayon. Yung first day namin ay hindi kami lumabas ng bahay.

Natulog at nagpahinga lang kami magdamag. Bukas naman daw, ang plano ay magpi- picnic kami sa Camp John Hay.

Malapit lang naman yon dito sa Country Club, mga ilang metro lang ang layo.

"Bakit pala lumipat sa Manor Hotel si Angelica?"

Ilang sandali bago ako sumagot kay Thalia. "Nag away kasi kami ni Theon dahil sa kanya."

Kumunot ang noo ni Thalia. "Bakit? Nagselos ka sa kanya? Nilalandi niya ba si Theon?"

Huminga ako ng malalim. "Diko alam. Pero ayoko kasi sa kanya. May nakaraan sila ni Theon."

Tumango tango lang si Thalia habang sinisipa ang mga damo sa paanan niya. "Matagal na ba kayong kasal ni Theon?"

Di ko siya sinagot.

Pinanood ko lang si Theon na kanina pa humahagalpak ng tawa kasama sina Elvis, Aidann at Benz. Tinuturuan kasi nila si Reegan na mag- golf.

Kahit bata pa si Reegan ay makikita mong pursigido talaga siyang matuto maglaro.

"Arya, si Theon nakatingin sayo."

Nilipat ko ang tingin kay Theon na masayang kumakaway sakin. Nginitian ko lang siya. Hindi ko alam kung nakita niya iyon dahil medyo malayo ang kinaroroonan nila samin.

Mula nang magka aminan kami ni Theon, mas naging sweet siya sakin. Kahapon nga ng umakyat kami ng bundok, kulang na lang ay buhatin niya ako.

Buong paglalakad namin siyang nakaalalay sakin. Nandoon siyasa tabi ko para bigyan ako ng tubig at punasan ang mga pawis ko.

Nakakatuwa. Ngayon lang ulit ako nakadama ng ganitong kasiyahan. Naniniwala naman akong totoo ang sinasabi niya sakin.

Pinapadama niya din naman kasi na seryoso siya sa akin.

Hindi ko nga hiniling na paalisin muna si Angelica dito pero kinausap niya ang kababata na lumipat muna sa Hotel na malapit lang din dito samin.

Kahit nga masama pa rin ang loob ko kay Angelica, niyaya ko pa din siya na sumama samin sa Hiking kahapon.

Yon nga lang hindi niya na nalapitan pa si Theon. Tanging si Elvis at Aidann lang ang nakakausap niya sa daan. Si Benz kasi nakatutok lang ang buong atensyon sa anak.

Niyaya nga namin siya ngayon pero may kikitain daw siyang professor sa SLU. Kaibigan daw niya noong college pa siya.

Actually, nagkausap na kami ni Angelica noong unang araw namin dito. Pumasok siya sa kwarto naming mag asawa pero buti na lang, wala si Theon noon dahil pumunta sila ng Black Market.

Sinabi ni Angelica sakin na may gusto pa siya kay Theon, na may nararamdaman pa siya sa kababata.

Gusto ko nga siyang sampalin noong sinabi niyang nagsisisi siyang hindi niya sinagot agad si Theon. Nakukulangan daw kasi siya sa atensyon na binibigay ni Theon sa kanya kaya hindi niya ito sinagot noon.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now