Chapter 26

10.9K 299 3
                                    

Aryanna POV

"Tumawag din ba sayo si Eva?"

Hinila ko ang isang swivel chair sa harap ng mesa para pagpatungan ng paa kong kanina pa nangangalay. Idinantay ko ang ulo sa likuran ng upuan ko.

Masakit ang batok ko at mga kasu kasuan. Kagagaling lang namin ni Kris sa Pasay, nagkaroon kasi ng problema ang isang branch ng salon namin doon.

May dalawang cutomer na nagreklamo dahil sa nasira nilang buhok. Naputol ang mga buhok nila dahil nasunog iyon. Pinaratangan nila kaming gumagamit ng pekeng mga gamot.

Gustuhin man namin silang sabunutan sa pag aakusa nila ay kinausap na lang namin sila ng maayos.

Humingi kami ng paumanhin at binalik ang bayad nila. Sinabihan namin silang bumalik sa salon para sa treatment ng buhok nila linggo linggo.

Buti na lang pumayag din ang dalawang customer.

Dalawang linggo na kaming abala sa trabaho. Dinagdagan din kasi namin ang services na iniooffer namin sa bawat salon.

Nag bukas na din kami ng spa sa salon. Napakarami namin inayos dahil nagkulang kami ng materyales at parlorista.

Kaya buti na lang tumulong ang mga manager ng bawat salon sa pagresolba ng problema namin.

Kaya sa loob ng dalawang linggo ay wala pa kaming maayos na tulog. Nagkakaroon lang kami ng bakanteng araw tuwing sabado at linggo.

"Bingi ka ba Arya?!?Tinatanong kita kung tumawag ba sayo si Eva. Hindi ko nasagot tawag niya."

Walang gana kung tiningnan si Kris na nakaupo sa swivel chair niya at nakapatong ang mga paa sa mesa.

Tiningnan niya ko ng masama, umismid lang ako. Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa at tiningnan ko kung may tawag ba galing kay Eva.
"Wala naman."

Pinagpatuloy din namin ang pagpapatayo ng isang branch ng salon sa Pampanga.

Mas malaki pa iyon dito sa main branch. Nakisosyo kasi si Eva dahil taga Pampanga siya. Inuumpisahan pa lamang ang paggawa doon at pag ayos.

"Kapag tumatawag si Eva, may importanteng sasabihin 'yon."

"Tawagan mo na lang siya. Naubusan ako ng load eh."

Nakita kong nagdadial si Kris sa cellphone niya. "Di nga niya sinasagot."

Kinuha ko lang ang mineral water sa mesa at uminom ng tubig. "Hayaan mo na. Baka nagkamali lang siya ng pagdial."

Nandito kami ngayon sa opisina na pinagawa namin ni Kris. Pinatayo namin ito sa taas ng main branch ng Hair and Body Salon dahil dito naman kami lagi naglalagi.

Wala masyadong kalaman laman ang opisina namin. May iilan lamang picture frames na nakasabit, mga litrato naming magkakaibigan.

Mayroon ding tokador sa gilid na naglalaman ng mamahaling kagamitan para sa buhok.

"Saan mo pala nilagay yung binigay na bulaklak ng mister mo?"

Minasahe ko ang ulo ko bago sumagot kay Kris. "Sa vase sa baba."

"Dapat lang, kesa ilagay mo dito malalanta din lang. Idisplay mo na lang sa baba para mapakinabangan naman."

Nilaro laro ko lang ang bottle ng tubig. "Oo."

"Susunduin ka ba niya ulit ngayon?"

Ipinikit ko ang mga mata at umiling. "Hindi. Magkita na lang daw kami sa bahay."

Dalawang linggo ng nagbago ang pakikitungo sakin ni Theon. Walang palya siyang nagpapadala ng bulaklak dito sa opisina namin, lagi niya din akong sinusundo , pinagluluto niya ako sa bahay, hinahainan ng pagkain at minsan pa ay nagsasabay kaming mag-lunch sa opisina niya.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now