A walk to Remember

14.3K 220 11
                                    





A walk to Remember

My name is Jasmine. I am a woman, a wife, a mother, a fighter and a survivor.

Ang buhay ko ay hindi perpekto kung susumahin ko ang mga pinagdaaanan ko matatalo pa ang mga nagpapadala ng telegrama kay Tita Charo ng Maalala mo Kaya. Noon ang buong akala ko noong bata pa ako ang buhay ng tao ay parang fairytale---------

Si Cinderella, Sleeping Beauty, Snow White at kung sinu sino pang sikat na sikat na karakter ng fairytale ay kinaiingitan ko noon. I used to read them every night when I was 6 years old. Kapag wala ang kinilala kong kapatid na si Shania. Patago ko iyong babasahin dahil masyado siyang salbahe, madamot, at high blood pagdating sa akin. Noon hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa nalaman kong ang kinilala kong pamilya.. ang kinalakihan ko ay hindi naman totoong akin. Sinasaktan nila ako.. pisikal at emosyunal kaya siguro lumaki akong takot at umaamot ng pagtingin sa ibang tao. Kaya siguro tumatak sa aking isipan yung mga binabasa kong fairytale na may isang Prince Charming na darating sa buhay ko at ililigtas ako sa masalimuot kong buhay... but I was wrong-----

When I first met Alexander Montenegro the eldest brother of my bestfriend Lean.. sabi ko sa sarili ko siya na.. siya na ang pinakahihintay kong tadhana. Tandang tanda ko pa kung paano kami unang nagkita... Ito yung na pinalayas ako ni Shania sa bahay dahil may bisita siya.

blagaaaaaggg-------

Napatayo ako ng wala sa oras mula sa aking pagkakayuko sa aking study table ng walang pakundangang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Right there in front of me was my sister Shania at ang kanyang bestfriend na atribida na si Lianna na wala ng ginawa kundi sakyan ang kasamaan ng pag uugali ng aking kapatid. Kapag sila ang magkasama, alam na. Kailangan ko na namang ipaubaya ang aking sariling silid para sa babaeng ito. They were smiling at me na para bang may nakakatawa sa sitwasyon. Napahinga ako ng malalim ng dahil doon. Ako ang kapatid niya pero ni kahit anong simpatya at pagkilala wala man lang akong napapala sa kanya. Mabuti pa ang ibang tao pinapakitaan niya kabutihan samantalang ako, sarili niyang dugo at laman, binabalewala lang niya, dinadaan daanan niya lang ako, ni banggitin ang pangalan ko hindi niya magawa. Hindi ko maintindihan kung bakit? wala akong kaide ideya kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin? Idagdag mo pa ang aking mga magulang, lagi silang panig sa aking panganay na kapatid.

" O, ano pang tinatanga tanga mo dyan. Lumayas ka na, nakikita mo naman siguro na kasama ko si Lianna. Kailangan pa ba kitang kaladkarin sa labas at itapon ang mga basura mo ? " taas kilay niyang sabi sa akin habang magkakrus pa ang kanyang dalawang braso sa aking harapan. Tinitigan ko ang kanyang katabi at doon nga kitang kita ko ang kanyang ngiti ng tagumpay at pang uuyam. Masakit pa rin kapag sa kanya ko naririnig ang mga salitang iyan, kahit ilang beses ko ng narinig yan sa kanyang bibig. Masakit pa rin, ganoon pa rin ang epekto. Para akong ibang tao kung ituring nilang lahat sa aming tahanan. Naisip ko nga baka ampon lang ako or napulot lang nila ako kung saan kaya ganito ang trato nila sa aking lahat.

" A-Ate S-Sh--------------

" Dont call me that!! Hindi kita kapatid!!" she snapped. Doon ako natahimik at nawalan ng kibo. Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa dahil mas magiging kaawa awa ako sa kanilang harapan. Nanakit na ang aking lalamunan at nanlalabo na ang aking paningin dahil sa aking mga luha na nagbabadyang pumatak kaya mabilis akong tumingala at kumurap kurap.

" Ano ba?!! Mag iinarte ka na naman ba!! Gusto mo na naman bang masaktan sa akin!! Lumabas ka na ng kwartong ito!! Doon ka matulog sa guest room sa baba tutal doon ka naman talaga bagay!! Sampid!! " halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagsigaw, nataranta na ako kaya mabilis kong dinampot ang aking bag na naglalaman ng aking gamit sa eskwelahan na nasa ibabaw ng aking kama. Nakarinig na ako ng malalakas ng tawanan sa aking harapan pero binalewala ko na iyon. I am really pathetic. Nagmamadaling tinungo ko ang pintuan at akmang lalabas na ako ng tawagin ako ni ate. " Hoy sampid!! Nakalimutan mo itong bulok mong laptop. " halos manlaki ang aking mga mata ng walang sabi sabing ihagis niya iyon sa pader na gumawa ng napakalakas na ingay. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumakbo ako doon sa kinabagsakan ng aking laptop at pinulot ko ang nagkahiwa hiwalay na parte noon. Ilang araw kong pinagpuyatan ang thesis ko na nakasave doon. Tapos, tapos ------------------ nagsimula na akong umiyak. Halos manginig ang aking buong katawan sa galit lalo na at naririnig ko silang nagtatawanan ng bestfriend niyang bruhilda. Gusto kong lumaban pero hindi ko magawa dahil natitiyak kong oras na gumanti ako. Ako , ako rin ang kawawa sa aking mga magulang.

D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now