Deception Entry # 7

11.9K 305 24
                                    



DECEPTION ENTRY # 7



" hahhahahahhahah.. w-wala akong pakialam sa babaeng iyon.. dahil akin si Xander!! Akin!! "



She's sick, bakit hindi ko nakita iyon ng maaga? di sana mas natulungan namin siya ni Chesca.. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya dahil nag aalala ako sa kalagayan niya pati na rin sa anak namin.. she's 4 months pregnant, nasa kritikal na pagbubuntis siya.. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.. seeing her like this.. made my heart hurt.. para akong tinadyakan sa aking itsura sa mga nakikita kong ginagawa niya.. she was mumbling something that I dont understand habang nakatakip sa kanyang dalawang tainga ang kanyang dalawang kamay.. she was rocking herself back and forth while she was seated on the bed.. hindi ko maiwasang mapaiyak.. lalaki ako pero.. " E-Emilie, l-look at m-me.. p-please Em.." pero para lang akong nag usap sa hangin.. Inilang hakbang ko ang pagitan namin, there I heard what she was mumbling.. to her self.. she was calling Xander's name over and over again.. marahan na marahan kong hinawakan ang dalawang kamay niya na nakatakip sa kanyang tenga.. tumingala siya sa akin at ngumiti..

my god..

wala siya sa kanyang sarili..

Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagpahid niya sa aking mga luha sa aking mga pisngi. " Bakit ka umiiyak Kuya Lui? May nanakit ba sayo? " boses batang tanong niya sa akin. Shet!! shet!! mura ko sa aking sarili ng maraming beses.. tanging iling lang ang nagawa kong sagot sa kanya.. dahil hindi ko maibuka ang aking bibig dahil sa oras na gawin ko iyon hindi ko mapipigilan ang aking pag iyak..



" M-mahal mo ako di ba Kuya? D-Di b-ba sabi m-mo sa akin, d-di m-mo ako p-pababayaan? L-lahat ng h-hihilingin ko ibibigay mo? "



" Gusto mo bang mabuhay ang baby natin Kuya?" napahugot ako ng malalim ng hininga dahil sa binitawan niyang salita.. pinakatitigan ko ang kanyang mukha dahil kahit anong isip ko hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga sinasabi niya sa akin.? Nakangiti siya, pero yung mga mata niya nakakatakot.. yung boses niya parang pang sampung taon na bata.. naramdaman ko na lang na inabot niya ang aking kanang kamay at inilagay niya iyon sa ibabaw ng kanyang puson... kung nasaan ang medyo may kaumbukan na niyang tiyan..I was frozen on my spot when I touched it.. when I caressed it gently and slowly.. nagsimula na namang magtubig ang aking mga mata.. nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kasiyahan.. dahil nahahawakan ko na siya kahit pa nga nasa sinapupunan pa lang siya ni Emilie.. ang sarap sa pakiramdam.. ang sarap sar------------- mabilis niyang tinabig ang aking kamay doon at itinulak niya ako ng buong lakas, muntikan pa nga akong matumba mabuti na lamang at nahanap ko kaagad ang aking balanse.





" Gusto kong itikom mo ang bibig mo Kuya Lui sa kanilang lahat, dahil oras na may makaalam ng sikreto nating dalawa na ang batang ito ay anak mo at hindi si Xander.. sabay kaming mamamatay? Do you want me to do that? Kill your unborn child inside of me or you will leave me the fuck alone? Your choice, hindi naman ako madamot at makasarili na katulad mo Kuya.. Im giving you two choices so you better choose wisely.." matapos niyang sabihin iyon, parang balewalang humiga siya sa kanyang kama at ipinikit nito ang kanyang mga mata. Until I heard her laughed.. mahina iyon hanggang sa unti unting lumakas.. hindi ko mapigilang panayuan ng balahibo.. lalo na sa mga katagang binitawan niya. " I'll kill her.. I kill her and her baby.. aagawin niya sa akin si Xander .. kawawa naman kami ng baby namin kung makikihati pa ang baliw na babae na iyon!! Akin lang ang asawa ko!! Akin lang!! Hindi ako makakapayag na mawala siya sa atin baby.. hindi ako papayag na mawala siya sa atin!! I'll kill everyone who will ruined my plan!! Ang galing galing talaga ng Mommy mo baby..kaya love na love mo ako ehh.."



Oh my god..

What have I done?

-----------------------------------





" Chesca please listen to me!! paniwalaan mo naman ako!! Hindi na normal ang pag iisip ni Emilie!! Hindi ko alam kung papaano ka niya nadadaya pero kitang kita ko kanina ang mga pruweba!! She was obsess and madly in love with Xander that it almost made her crazy!! She is insane!! Maniwala ka naman sa akin!! Please help me.. h-help me.." para akong batang nagmamakaawa sa aking kapatid ngayon dito sa kanyang opisina.. kasi kahit ilang beses kong sabihin sa kanya ang mga nakita ko hindi niya ako pinaniniwalaan.. nagagalit pa siya sa akin at sinasabi niyang sinisiraan ko lang si Emilie dahil galit ako.. kasi hindi ako pinapansin nito.. pero tang ina lang!! may buhay ng involve.. may mga madadamay na at kung hindi ako kikilos.. totohanin niya talaga ang mga binitawan niyang salita sa akin kanina.



" Give me one good reason why I should believe you. Kasi kuya maayos siya kapag kaharap kami ang magkasama, walang nagbago, gaya pa rin siya ng dati kaya hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo.. Kahit ang pakikitungo niya sa ibang tao ganun pa rin. If your hurting to much wag ka namang gumaw----------------------------

I have no choice but to tell her the truth.. kung iyon lang ang paraan para maniwala siya kahit pa nga magalit at isumpa niya ako.. sasabihin ko na sa kanya. " Dammit Chesca!! I am the real father of her baby! Ako at hindi ang Montenegro na iyon!! Ako ang ama!! Ako! Kaya alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon?Masakit.. sobrang sakit.. ako ang ama pero sa iba niya pinapaako !! Pamangkin mo ang nasa sinapupunan niya!! Ngayon maniniwala ka na ba!! Pakikinggan mo na ba ako!! Goddammit!! Papatay na siya ng tao!! dahil sa punyetang pagmamahal niya sa lalaking iyon!! "



" A-Ang ibig m-mong s-sabihin.. nagsinungaling siya sa akin.? S-Sinira niya ang buhay ng mga taong involve kay Xander? Yung asawa niya.. si Lean.. Kuya, anong nangyayari? Bakit? Totoo ba yang lahat ng sinasabi mo? " umiiyak na tanong niya sa akin..kitang kita ko kung papaano manginig ang kanyang buong katawan habang unti unting umuupo sa kanyang swivel chair.. tumutulo ang kanyang mga luha... " Paano m-mo nagawa iyon sa kanya K-Kuya? Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga sa akin? Bakit?!!"



" Wala na tayong oras para pag usapan ito.. Ang mas importante ay makahanap tayo ng solusyon.. Chesca.. she was threatening me.. she was blackmailing me na huwag sabihin sa iba ang katotohanan kung hindi papatayin niya.. n-niya ang a-anak ko.. A-ano ang d-dapat k-kong gawin? Ano?!! T-Tulungan mo ako.. p-please..---------------





" We need to tell them Kuya.. Because right now, we need their help. "





to be continued....

D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora