DECEPTION ENTRY # 14

12.4K 270 24
                                    







DECEPTION ENTRY # 14



Masakit..

Masakit na masakit..

Masakit pero wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili. Maling mali ang lahat ng mga pinaggagawa ko. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero hindi iyon dahilan para saktan at sirain ko ang buhay ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin. Nabulag ako.. nabulag ako sa salitang pagmamahal.. at ang karma ko ay eto na.. n-nawala ang aking a-anak ng dahil sa aking katangahan.. kabaliwan.

Masakit..

Masakit na masakit..

Pakiramdam ko gusto ko na ring mamatay. Ilang buwan na lang, ilang buwan na lang at mahahawakan ko na sana ang aking anak, mayayakap at mahahalikan.. umiiyak na naihawak ko sa aking pipis na tiyan ang aking dalawang kamay. Paulit ulit kong hinaplos haplos iyon, ini-imagine kong nandoon pa siya.. nandoon pa ang maliit na baby bump na tanda n--------------- napahaguhol ako ng iyak.. hindi ko na kayang pigilan.. my baby boy.. its a boy, iyon ang sabi sa akin ni Chesca. If I could only turn back the time, sana hindi ko na pinaabot sa ganito ang kabaliwan ko. Sana tinanggap ko na lang sa aking sarili na kahit anong gawin ko hinding hindi ako mapapansin at mamahalin ni Xander Montenegro. Sana noong una pa lang itinigil ko na ang lahat at nanahimik na lang ako.. tinanggap ko na lang sana ang inaalok sa akin ni Luigi.. tinanggap ko na lang sana ang katotohanan.. Hindi na sana nadamay si Lean.. hindi ko na sana siya nasaktan dahil sobra sobra na ang ibinigay niya sa akin.. ang ipinakita niyang kabaitan to the point na ginamit ko rin siya.. ginamit ko siya na naging dahilan n-ng-------- mahal niya ako.. mahal na mahal niya ako, damang dama ko iyon kahit pa nga hindi niya sabihin.. and worst.. hindi ko iyon pinansin at naibalik.. pinarusahan ko rin siya gaya ng pagpaparusa sa akin ni Xander.. napakasama kong tao. At hindi pa ako doon nakontento, muntik ko na rin masira ang pamilya niya na binubuo pa lang niya ulit. Hindi ko ininda kung buntis ulit ang kanyang asawa dahil ang tanging gusto ko lang ay mapasaakin siya.. pero maling mali.. maling mali ang aking ginawa.. magsisisi man ako ngayon.. hinding ko na rin iyon mababago dahil nangyari na at nagawa ko na.





Huminga ako ng malalim at iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Pulos puti ang aking nakikita dahil nasa ospital pa rin naman ako. Sa tatlong araw na nakalipas marami akong narealize.. madami akong dapat ayusin bago ako umalis at magpakalayu layo para gamutin ang aking sarili.. para kahit papaano maka move on ako.. Sa loob ng 3 araw na yun hindi ako iniwan ni Lean, nanatili siya sa aking tabi.. kahit pa nga nasaktan ko siya, ginamit ko siya.. nakikita ko ang aking sarili sa kanya at ayaw kong dumating sa punto na tuluyan siyang magaya sa akin kaya ngayon pa lang.. ngayong araw na ito tatapusin ko na ang lahat.



" Are you ready to get home, Em? " nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon, malapit sa pintuan nandoon nakatayo si Lean habang nakangiti sa akin. Kung ako ang tatanungin I did not deserve his smile, kindness and love dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Mas kaya kong pakibagayan ang galit at pang iinsulto niya kaysa yung ganito dahil unti unti akong kinakain ng guilt. Hinawakan ko ang aking magkabilang pisngi at pinunasan ko ang mga bakas ng luha na nandoon. At saka ako ngumiti sa kanya ng bahagya ng akamang hahawakan at bubuhatin ko ang maliit na bag na nasa ibabaw ng hospital bed may kamay ng umagaw noon sa akin. " Let me. " hindi pa siya nakontento doon at hinawakan niya ang aking kanang kamay at dahan dahan kong hinatak palabas, napatingin ako sa mga kamay naming magkadaop.. mainit iyon, malambot at nandoon yung comfort na sa tuwina'y laging nararamdaman sa tuwing magkasama kami pero gaya nga ng sabi ko kailangan ko siyang pakawalan......



Bago pa kami makarating sa pintuan, hinatak ko ang kanyang kamay dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at lingunin niya ako. " L-Lean, hindi ako s-sasama s-sayo. " halos pabulong na pagkakasabi ko sa kanya na alam kong narinig niya rin naman. Bakit ganoon? bakit parang may malaking kamay na sumasakal sa aking leeg dahilan para hindi ako makahinga ng maayos? bakit parang nanghihina yung mga tuhod ko at nanginginig ang aking buong katawan? Nanlalabo ang aking mga mata at alam ko kung bakit .. ako ay lumuluha..





D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now