DECEPTION ENTRY # 10

12.4K 260 26
                                    



DECEPTION ENTRY # 10





" Sigurado ka bang nandito siya ngayon Lean? Maghiwa-hiwalay kaya tayo para mas mabilis nating siyang mahanap. Sa takbo ng utak niya ngayon at sa batang dinadala niya maaari siyang mapahamak. " punu ng pagkatarantang sabi sa akin ni Chesca. Nilingon ko siya sa aking likuran kung saan nakaakbay ang kanyang kapatid na inaalo alo siya. Napadako ang mga mata ko kay Kuya Xander na kanina pa tahimik. Sa totoo lang dapat hindi siya kasama dahil sa kalagayan ni Jas na nasa ospital pero pinasama siya ng babaeng iyon. And her reason dahil nag aalala din siyang baka mapaano si Emilie.. I cant believe that woman.. talagang imbis na magalit pa siya dahil sa kasinungalingan na inimbento ni Em para magkasira sila ni Kuya.. inunawa pa niya.. naunawaan pa niya ang kalokohang ginawa nito at hindi lang iyon nakuha pa niyang mag alala.. ganoon siya kabait.. ganoon kalaki ang puso niya...

" Kumalma ka nga Chesca. "

" Papaano ako kakalma Kuya?! Ikaw na rin ang nagsabi sa akin kanina na wala siya sa kanyang sarili hindi ba? na kung anu ano na ang mga pinagsasabi niya.. tapos idagdag mo pa ang kalagayan niya.. hindi natin alam ang tumatakbo sa kanyang utak .. natatakot lang ako na baka kung napaano na siya--------------



" Malakas ang pakiramdam kong sa unit ko lang siya tutuloy, Chesca. Isa pa wala naman siyang ibang pupuntahan maliban sa condo ko. Sa ilang buwan na magkasama kami.. condo at ospital lang ang routine niya. Kung sakali mang hindi natin siya madatnan doon.. saka tayo maghiwa hiwalay ."



'ting'



Nang bumukas ang pintuan ng elevator, mabilis akong naglakad at tinungo kung nasaan ang aking unit . Hindi ko na tiningnan kung kasunod ko na sila.. dahil talagang kanina pa ako kinakabahan at nagdadasal na sana.. sana lang talaga nandoon lang siya sa loob.. na sana doon siya tumuloy dahil hindi ko alam ang aking gagawin kung wala siya doon.. kung saan kami maghahanap.. para akong tinatanggalan ng hangin sa baga habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan. Pinihit ko ang door knob, kaya nagulat ako ng tuluy tuloy ko iyong mabuksan.. the moment I opened the door nasamyo ko na ang amoy ng nilulutong sinigang.. nagmamadaling pumasok ako sa loob at tuluy tuloy kong tinungo ang kusina kung saan doon nanggagaling ang amoy ng nilulutong ulam. I almost sighed with so much relief when I saw her standing in front of the burner, her back was facing me.. hinahalo halo niya ang kanyang niluluto habang nagha hum ng isang kanta.



Saka ko lang napagtuunan ng pansin ang kanyang kasuotan.. kunut noong pinagmasdan ko ang kanyang suot.. hospital gown na galing pa sa ospital. Dont tell me nakarating siya dito ng yan lang ang suot niya? tapos napansin ko ang kanang kamay niya kung saan siya kinabitan ng karayom para sa dextrose.. dumudugo iyon.. yung buhok niya gulo gulo.. ang dumi dumi ng kanyang dalawang paa.. naglakad siya? nakarating siya sa unit ko ng ganyan lang ang kanyang itsura? nanghihinang naisandal ko ang aking buong katawan sa pader..



God.. wala siya sa sarili..



" Emilie.."

Kasabay ng pagbigkas ko sa kanyang pangalan ay ang mga papalapit na yabag sa aking likuran. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha ng dahan dahan siyang humarap sa akin. Nakapaskil sa kanyang mukha ang isang napakalawak ng ngiti pero mabilis iyong nawala n--------------



" Thank God your here, Emilie!! Kanina pa kami nag aalala sayo!! Bakit hindi ka man lang nagpapaalam na aalis ka? kung saan ka pupunta!! Para na kaming mga siraulong naghahanap say--------- tuluy tuloy na pagsasalita ni Chesca, pero kataka takang pinagmamasdan lang siya ni Emilie.. ng akmang yayakapin niya ito.. umatras at mabilis na tinungo ni Emilie ang aking kinatatayuan at parang batang sumiksik sa aking tagiliran.

" Sino ka? Sinong Emilie?"

Katahimikan.. matinding katahimikan ang bumalot sa aming lahat.. habang namamalisbis sa aking mga mata ang aking mga luha. Hindi ito totoo.. hindi nangyayari ito ngayon.



" Emilie.. Ikaw si Emilie.. pwede ba huwag kang magbiro ng ganyan. Hindi nakakat------------ nagpapanic na si Chesca.. umiiyak na nga ito habang papalit palit ng tingin sa akin at kay Emilie.

" Hindi Emilie ang pangalan ko. Jasmine.. Jasmine. " tumingala siya at nagtagpo ang aming mga mata. " Lean, pakisabi nga sa kanila na ako si Jas.. ako si Jas ang bestfriend mo.. ang asawa ng kapatid mo. "



" O-Oh m-my g-goddd--------- tuluyan ng pumailanlang ang malakas na iyak ni Chesca sa apat na sulok ng unit ko. Pati ako hindi ko malaman ang gagawin.. hindi ko alam kung ano nangyayari talaga.. ayos pa siya.. ayos pa siya kanina.. kausap ko pa siya ng matino kanina.. tapos.. tapos --------



" Emilie, wag naman ganito.. wag mo naman kaming paglaruan ng ganito. Alam mo sa sarili mong hindi ikaw ang asawa ni Xander.. ikaw si Emilie.. hindi ikaw si Jasmine.. Dammit!! fucking wake up woman!!! Gumising ka sa ilusyon mo!! Gumis------------ bago ko pa mapigilan ang aking sarili dumapo na sa kapatid ni Chesca ang aking kamao.. bumagsak siya sa sahig.. nagdidilim ang aking paningin.. tang ina!! isa siya sa dapat sisihin kung bakit nagkakaganito si Emilie ngayon!! " Damn you, Luigi!!! Shut the fuck up dahil hindi ka nakakatulong!!! mas mabuting itikom mo na lang iyong bibig.!!!



" Lean!!"

" Leandro!!"

Halos sabay na tawag pa nila Kuya sa akin.. pero nangingibabaw sa kanila ang malakas na tinig ni Emilie.. " X-Xander, b-baby. " pagkatapos noon humahangos na tumakbo siya kay Kuya at yumakap ng mahigpit. Fucking hell!! ang sakiiit!!! tumalikod ako at buong lakas kong sinuntok ang pader sa aking harapan. Bakit? Bakit kailangang mangyari ito? Bakit kailangang si EMilie pa?!! Bakit kailangang si Kuya pa? Bakit kailangang maging ganito ka komplikado ang lahat?!! T**g ina lang!!! Papaano na naman si Jas?!! Papaano namin malulusutan at sosolusyunan ang nangyayari kay Emilie ngayon?!! Tell me!! Anyone!!!



" E-Emilie.. a-ano bang nangyayari s-sayo? A------- punu ng pagtataka at pagtatanong ni Kuya.. hawak hawak niya ang magkabilang braso nito habang pilit na inilalayo niya sa kanyang katawan ito.. pero ang puta!! humagulhol ng malakas na iyak si Emilie..



" X-Xander.. ano bang n-nangyayari s-sa inyo.? B-bakit n-niyo ako t-tinatawag na E-Emilie? A-Ako ito si Jas!! Si Jasmine mo!! B-Bakit s-sinasaktan m-mo na naman ako? A-Ayaw m-mo na b-ba sa akin? D-Di ba maayos na t-tayo.. b-buo na tayo ng a-anak mo.. buo n-na ang p-pamilya n-natin.. B-Bakit? B-Bakit?!! Bakiiiiiitttttttt?!!! " para siyang wala sa sarili habang dahan dahang bumabagsak sa paanan ni Kuya.. lumuluhod siya.. habang niyayakap ang magkabilang b-binti ni K-Kuya.. h-hindi ko na kaya.. shet lang talaga!!! shet lang!!! naghihisterikal siya habang paulit ulit na sinasabi niya sa aming lahat na siya si Jas. Sinalubong ko ang mga mata ni Kuya.. All I can see in his eyes was pity.. confusion and hurt.. nanghihinang humihingi siya ng tulong sa akin sa pamamagitan ng mga mata.. Naibaling ko ang aking mga mata kayna Chesca at sa kapatid nito.. ganoon silang lahat.. ganoon..



" X-Xander.. b-baby, b-buntis ako.. m-magiging D-Daddy k-ka na u-ulit.. H-hindi ka b-ba m-masaya? N-Nasundan na r-rin s-sa w-wakas s-si Dria.. k-kaya p-please lang.. b-bumalik n-na tayo s-sa d-dati.. p-please.. p-parang a-awa mo n-na.. M-Mahal na mahal k-kita.. m-mahal na mahal ka namin ng m-mga anak m-mo.."



" Emilie, s-stop i-------------



" Sinabi ng hindi ako si Emilieeeeee ehhhh!!! Bakit pa ang kulit kulit mong babae ka!!!? Hindi kita kilalaaaaa!! Lumayas ka!! lumayas ka dito!!! Lean paalisin m-mo silaaaa ditooooo!!!! paalisin mo silaaaaaaa!!!! Leannnnnn!!!! "



I am lost.. so lost.. tang inang buhay ito ohh!!!

Nababaliw na siya...



------------------

See attached picture:

Danielle Campbell ----------------> Emilie Rose Sullano

D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن